Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Maine Mendoza, gustong maging host ng 'Eat Bulaga' forever

By CHERRY SUN
Updated On: February 18, 2020, 03:32 PM

"...Okay na ako na mag-host dito forever, habang-buhay, for the rest of my life. Hanggang sa mamatay ako, okay lang na wala akong gawin dito sa showbiz basta mag-host lang ako." - Maine Mendoza

Kung siya lamang ang masusunod ay gugustuhin ni Maine Mendoza na maging host ng Eat Bulaga habambuhay. Ito ang kanyang inamin sa kuwentong Eat Bulaga na kanyang ibinahagi sa Facebook page ng longest-running noontime show at iniulat sa 24 Oras.

Nag-reminisce si Maine kung paano nagsimula ang kanyang showbiz career at napabilang sa mga dabarkads.

Kuwento niya, “Naisip ko na wala talaga akong binatbat kasi pagdating ko doon, nakita ko sila may mga dalang gitara. Parang may edge na sila kumpara sa akin na wala lang, normal lang.”

Ipinakita rin sa parehong ulat ang pagganap niya bilang Sisa sa kanyang audition sa Broadway. Fulfilled na raw siya sa kanyang ginawa at hindi na raw umasang makakapasa.

“Pag uwi ko naisip ko na ‘Ay wala na. Wala akong chance dito.’ Pero ‘yun, proud naman ako kasi ni-try ko pa rin, pumunta pa rin ako,” sambit niya.

Sa pagsalang ni Maine sa ‘Juan for All, All for Juan’ segment ay napatunayang may ibubuga ang dating baguhan sa showbiz. At makaraan ang isang taon ay nasaksihan natin ang layo ng narating ng Philippine Queen of DubSmash.

Bahagi niya, “From nobody, nabigyan ako ng chance na maging host dito, na maging parte ng Eat Bulaga. So isang napakalaking karangalan sa akin ang mapabilang talaga dito."

Pag-amin din niya, “Kasi ang saya-saya talaga. [Ang] swerte-swerte ko talaga. Ako okay na ako na mag-host dito forever, habang-buhay, for the rest of my life. Hanggang sa mamatay ako, okay lang na wala akong gawin dito sa showbiz basta mag-host lang ako. Kung saan ako nagsimula, doon din ako magtatapos.”


MORE ON MAINE MENDOZA:

WATCH: AlDub and Eat Bulaga big boss on the cover of business magazine

WATCH: Lyric video of 'Imagine You & Me' featuring Maine Mendoza

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.