WATCH: MMA fight nina Baron Geisler at Kiko Matos, nauwi sa unanimous draw
Nitong Sabado (June 26), napanood ang pinakaabangan at controversial MMA fight nina Baron Geisler at Kiko Matos.
Nitong Sabado (June 26), napanood ang pinakaabangan at controversial MMA fight nina Baron Geisler at Kiko Matos.
Ang kanilang exhibition match para sa Universal Reality Combat Championship (URCC) Fight Night ay ginanap sa Valkyrie sa Bonifacio Global City, Taguig.
Bago pa man sila nauwi sa MMA fight na ito, naging matunog ang iringan ng dalawa na lalong nagpaingay sa laban nina Baron at Kiko.
Parehong hindi professional MMA fighters sina Baron at Kiko pero para sa laban na ito, kinailangan pa rin nilang sundin ang pro MMA rules.
Sa huli, nauwi sa 19-19 unanimous draw ang laban nina Baron at Kiko.
Panoorin ang kabuuang laban nila dito:
Video from MMA Pilipinas Facebook account
More on Baron Geisler and Kiko Matos:
IN PHOTOS: Celebrities spotted at the MMA fight of Baron Geisler and Kiko Matos