What's Hot

Jennylyn Mercado is Jacky Woo's leading lady in "Manila-West Side Story" as her career rides high

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 13, 2020 12:52 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Chile wildfires kill 19 amid extreme heat; scores evacuated
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Jennylyn Mercado will have a Chinese-Japanese leading man for her second indie film, Manila-West Side Story.
Get your daily dose of hot gossip in this all-new addition to iGMA! Whether it's capping off yesterday's entertainment headlines or dishing a celebrity's recent issue, iGMA still has it covered! Be on the lookout for multiple updates within the day - you wouldn't want to be the last to know, would ya? So keep checking this space for what's hot and new in the entertainment world. starsClueless ang young actress na si Jennylyn Mercado sa Chinese-Japanese actor na si Jacky Woo na magiging leading man niya sa kanyang second indie film, tentatively titled Manila-West Side Story. Tinanong pa nga ni Jennylyn ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng ilang details about the actor. Sinabi namin sa kanya na si Jacky ay lumabas na sa mga Tagalog films gaya ng Alab ng Lahi with Robin Padilla, Panaghoy sa Suba with Cesar Montano, and Ispiritista with Vic Sotto. Sa story conference ng Manila-West Side Story, produced by Forward Group Inc., sa Dulcinea restaurant, Q.C. kahapon, October 9, nakausap ng PEP si Jennylyn at cute ang pagka-clueless nito sa identity ng kapareha. Nakatingin lang ito sa Chinese-Japanese actor habang nagsasalita in his broken Tagalog, pero excited na raw siyang makatrabaho ito. Ten days tatapusin ni Jacky ang pelikula na siya rin ang direktor. Bigla niyang ipina-revise ang script nang malamang kumakanta rin si Jennylyn. Action-musical kasi ang pelikula at parang kulang kung hindi raw kakanta ang young actress-singer. Busy na naman si Jennylyn sa dami ng trabaho sa movies at TV. Tapos na niya ang Nars, her first indie film, at tinatapos na rin niya ang Resiklo, entry ng Imus Productions sa 2007 Metro Manila Film Festival. Balik-TV naman siya sa soap opera ng GMA-7 na La Vendetta, also starring Sunshine Dizon and Jean Garcia, na sa Friday (October 12) na ang simula ng taping. Balik-tambalan din ito nina Jennylyn at Mark Herras, na magkapareha rin sa Joaquin Burdado ni Robin Padilla. Naka-schedule naman ang story conference ng Joaquin Burdado sa October 18. One month ding magge-guest si Jennylyn sa Bubble Gang. Hindi lang nasagot ni Jennylyn ang aming tanong kung kailan siya babalik sa SOP. Ano ang feeling ni Jennylyn na busy uli siya sa TV? "Kabado, sobra!" sagot ng young actress. "Sa first taping day nga namin ni Mark ng Magpakailanman, kinabahan ako, parang nakalimutan ko na ang umarte. Sa first scene namin ni Mark, nailang pa ako. Parang nahirapan akong bumalik, pero dahil si Mark ang kasama ko, mabilis akong naging comfortable. Dumaan ang time na inisip kong tapos na ang career ko dahil sa mga nangyari, thankful ako dahil hindi naman pala." starsNasa story conference ng Manila-West Side Story ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila. Sinubukan ng PEP na tanungin si Jennylyn sa nabalitang gap nila ng manager, pero ayaw nitong magsalita noong una. Later on ay nagbigay na rin ng pahayag si Jennylyn kahit maiksi lang. "Hindi kami nagkasamaan ng loob. Hindi ko rin sinabing booking agent ko na lang siya. Hindi ko talaga alam ang sinasabing gap namin," wika nito. Tinanong din si Jennylyn kung ang presence ni Becky sa story conference ay para patunayan sa kanyang hindi siya pinababayaan nito. Ang one-liner na sagot ng singer-actress ay "ngayon lang." Napag-usapan din namin ang kontrata niya sa GMA-7. Ang sabi ni Jennylyn, hanggang February next year na lang ang kontrata niya, kabaligtaran sa alam ng PEP na up to 2009 pa siya exclusive sa Kapuso network. "May extension for two years ang contract ko at desisyon ng GMA kung gusto nilang i-extend ang contract ko. Sa akin, okay kung i-extend nila ang contract ko," sabi niya. Kasunod nito, ibinalita ni Jennylyn na malapit nang matapos ang third album niya sa GMA Records, to be released either December or January next year. Wala pang title ang 12-track album na karamihan ng tracks ay covers, kasama na ang "How Do I Live" na original ni Trisha Yearwood at binigyan nila ng bagong areglo ni Janno Gibbs na ka-duet niya sa song. May remake din siya ng "Someone's Always Saying Goodbye" at isang kanta ni George Benson. -- PEP (Philippine Entertainment Portal) What's your say in this new development in Jennylyn's career? Share your opinions at the iGMA forums! And if you're not yet registered, you can register now! Who knows, you might even get to chat with your favorite Kapuso stars through iGMA Live Chat! In fat, last September 7, Jennylyn felt the fun with her fans through the Live Chat! Missed it? You can still check it out through her chat transcript, as well as through the webisode where you can watch what went on during the chat! And if you've got your own questions for Jennylyn, don't hesitate to ask her yourself! Just key in JENNYLYN on your mobile phones and send to 4627 (all telcos.) to subscribe to her Fanatxt service! (Each Fanatxt message costs PhP2.50 for GLOBE, SMART, and TALK 'N TEXT, while it costs PhP2.00 for Sun subscribers.)