What's Hot

Aljur Abrenica, nanliligaw sa kanyang 'Once Again' co-star na si Janine Gutierrez?

By BEA RODRIGUEZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 14, 2020 10:24 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Man attending fiesta in MisOr stabbed dead
NCAA: Arellano, Letran reignite rivalry in Group B as Season 101 men’s volleyball kicks off
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



"...I respect Janine.” - Aljur Abrenica


 

#OnceAgain

A photo posted by Aljur Abrenica (@ajabrenica) on

 
Inamin ng Once Again star na si Aljur Abrenica na siya mismo ang gumawa ng paraan para magkakilala sila nang husto ng kanyang co-star na si Janine Gutierrez.
 
“Kinulit ko po talaga siya dahil hindi po kami masyadong magkakilala ni Janine kay um-effort po talaga kami na magkakilalahan,” saad ng actor sa panayam ni Lhars Santiago sa 24 Oras.
 
Unang nagkatrabaho ang Kapuso stars sa romantic drama anthology na Dangwa ngunit unang beses silang inilunsad bilang love team sa GMA Telebabad drama.
 
READ: Aljur Abrenica matagal na gustong makatrabaho si Janine Gutierrez
 
Bilang hindi sila gaanong close, ang aktor ang gumawa ng first move para maging kumportable ang aktres sa kanya at magkaroon sila ng chemistry on-screen.
 
Ani, “On my part, talagang kinulit ko siya [at] kinuwentuhan ko siya hanggang sa nagkapantagan na kami ng loob.”
 
May nagsilabasan pa na mga balita na nanliligaw na raw siya sa dalaga. Natatawang sabi ni Aljur, “Sa mga naririnig po nating mga rumors na ganyan, I take it as a compliment pero kung tatanungin niyo po ako, hindi po ako nanliligaw [at] hindi po totoo ang rumors. I respect Janine.”
 
Huling nakarelasyon ng aktor ang kanyang kapwa Kapuso star na si Kylie Padilla na gaganap bilang Amihan sa nalalapit na requel ng Encantadia.
  
MORE ON ALJUR ABRENICA:
 
Aljur Abrenica stresses importance of family in his career
 
Aljur Abrenica nagpakilig sa morning kantahan ng 'Unang Hirit'