
"God-fearing tapos mabait. At saka alam mo 'yung kahit kayo na, araw araw kang liligawan? Hindi nagbabago, sweet. Yes, that's important." - Kim Domingo
Sunud-sunod ang blessings at projects ni Kapuso sexy actress Kim Domingo.
May regular role na siya sa GMA Primetime series na Juan Happy Love Story, lagi pa siyang napapanood sa longest running gag show sa bansa na Bubble Gang.
Bukod dito, nag-guest din siya bilang co-host ni Willie Revillame sa Wowowin at nakapasok pa sa initial na list ng 100 Sexiest Women ng men's magazine na FHM.
READ: Kim Domingo confident ba na mananalo bilang 2016 Sexiest Pinay
"Hindi na ako naghahangad noong top spot eh, basta makapasok lang ako doon. Dream ko before, 'yung makarampa ako sa 100 Sexiest," kuwento ng French-Filipina beauty kay 24 Oras reporter Cata Tibayan.
Kamakailan ay inamin ni Kim na nagtapos na ang kanyang relasyon sa kanyang longterm non-showbiz boyfriend. Kaya naman marami ang nais magtanong: Ano naman kaya ang tipong lalaki ni Kim?
READ: Kim Domingo kinumpirmang hiwalay na sa kanyang non-showbiz boyfriend
"God-fearing tapos mabait. At saka alam mo 'yung kahit kayo na, araw araw kang liligawan? Hindi nagbabago, sweet. Yes, that's important," ayon dito.
Panoorin ang buong ulat ni Cata Tibayan para sa 24 Oras:
MORE ON KIM DOMINGO:
EXCLUSIVE: Kim Domingo in a red hot swimsuit for 'Juan Happy Love Story'
MUST-SEE: Kim Domingo muling nakasama si Willie Revillame at mga dating katrabaho