#InspiringStory: Boobay, inalala ang dinanas na paghihirap bilang survivor ng Mt. Pinatubo eruption
Ayon sa komedyante, tinulungan daw siya ng pangyayaring ito upang maging matatag.
Sa likod ng kanyang mga halakhak, hindi mapapansing mayroon palang mabigat na dagok na pinagdaanan sa buhay ang komedyanteng si Boobay noon.
Ngayong buwan ang Ika-25 na anibersaryo ng pagsabog ng Mount Pinatubo, ang isa sa mga mayroong pinakamalaking napinsalang mga buhay at ari-arian na naitala sa buong mundo.
Nang maalala ni Boobay ang sinapit na unos noong 1991, hindi niya napigilang ibahagi ang naranasan ng kanyang pamilya. Ayon sa komedyante, tinulungan daw siya ng pangyayaring ito upang maging matatag.
Narito ang kuwento ni Boobay.
"'Di ko makakalimutan ang araw na ito, magli-limang taon ako, biglang nagdilim, lumindol, umulan ng abo at buhangin. Lumikas kami gamit ang kariton, pagbalik namin sa aming barangay, wala na ang aming bahay, nakalubog na sa lahar na ibinuga ng Bulkang Pinatubo. Tumira kami sa tent ng ilang buwan pagkatapos ay lumipat sa gilid ng bundok at tumira sa kubo na binigay ng DSWD. Ilang taon din iyon, mahirap pero alam ko [na] 'yun ang nagturo sa akin na maging matatag ngayon sa ano mang dagok ng buhay," saad niya.
MORE ON BOOBAY:
READ: Boobay, naging emosyonal sa pagtatapos ng bunsong kapatid sa kolehiyo
"Puwede ka namang magpatawa nang hindi nanlalait ng iba" - Boobay