Randy Santiago, feeling Brillante Mendoza dahil nadidirek si Jaclyn Jose
"Isipin mo, para i-direct natin ang Best Actress ng Cannes Film Festival, very overwhelming.” - Randy Santiago
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Proud si Direk Randy Santiago na makatrabaho ang Cannes Film Festival 2016 Best Actress na si Jaclyn Jose sa once-a-week sexy comedy na A1 Ko Sa’yo. Nagbiro siya na pakiramdam niya na ka-level na niya si Brillante Mendoza, ang direktor ng Ma’Rosa, ang pelikulang ikinapanalo ni Jaclyn.
“Lalo kaming na-excite sa show na ‘to dahil ikaw ay kasama [namin]” sabi niya sa aktres. “At ang feeling [ko], ako si Brillante Mendoza. Isipin mo, para i-direct natin ang Best Actress ng Cannes Film Festival, very overwhelming.”
Masaya si Randy na makabalik sa Kapuso network bilang isang direktor.
“I’m very grateful na nabigyan ako ng pagkakataon ng GMA to do this sitcom… [I was in] GMA [for] Lunch Date, saka Salo Salo Together. Pero sa pagbalik ko pong ito, syempre as a director, it’s a good thing [that the working relationship here is harmonious,” dagdag niya.
Impressed daw siya sa mga talents at staff na kanyang nakakatrabaho at excited sa pagpapatuloy ng programa.
“[Mahusay ang lahat] lalo na ang creative team ng GMA, at magagaling ang mga writers natin. Mas madali po sa amin na gawin [ang proyektong ito] lalong-lalo na [when] you have there mga competent na staff, and of course, talented na mga artista. Napakadali. Nag-e-enjoy lang po kami sa set,” he concluded.