Solenn Heussaff as Mrs. Bolzico: "Wala talagang naiba"
How does married life feel for Solenn?
Iba ang ngiti at kitang-kita na blooming ang newlywed na si Kapuso star Solenn Heussaff nang bisitahin ng Unang Hirit ang set ng bagong sexy comedy na A1 Ko Sa‘yo.
Bilang si Mrs. Bolzico, wala raw pinagbago sa kanilang relasyon ni Nico. Aniya, “Very open ako dati na naka-live in kami for five years so wala talagang naiba. Masayang bakasyon lang.”
Nag-enjoy naman raw sila sa kanilang French vacation kasama ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan. “Next day, parang wala lang, normal lang. Malungkot kasi lahat umuwi,” sambit ng sexy actress.
Pumayag naman ang It Girl na i-raid ang kanyang bag. Simple at hindi raw siya masyadong girly kaya hindi gaanong madami ang kanyang dala.
Sa loob ng kanyang handbag ay naroon ang kanyang wallet, glue para sa kanyang fake eyelashes, salamin, cellphone, charger, check book, house keys, hair brush, tissue at bottled water.
“Simple ako sa bag, as in ‘di talaga maayos. Kailangan ko bumili ng bag organizer [kasi] I just throw [my stuff] in,” pagtatapos niya.
MORE ON SOLENN HEUSSAFF:
IN PHOTOS: Solenn Heussaff shares the exclusive scenes from her wedding
Lovi Poe, Anne Curtis, Isabelle Daza thrilled that Solenn Heussaff has found her happy ever after