What's Hot

Jak Roberto, pangarap maging leading lady si Jennylyn Mercado

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated October 24, 2020 3:29 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Balita sa Unang Hirit: (Part 2) JANUARY 20, 2026 [HD]
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



Bukod kay Jennylyn, may isa pang Kapuso na gustong maging leading lady ni Jak. Sino siya?


Nahihiya pa noong una ang actor na si Jak Roberto nang tanungin kung sino sa mga Kapuso stars ang kanyang dream leading lady.

"Wala ako sa posisyon para mamili ng leading lady," sagot nito.

Pero nang kulitin ng kanyang Hanggang Makita Kang Muli co-stars na sina Bea Binene, Derrick Monasterio at Kim Rodriguez sa kanilang Facebook Live chat, isang pangalan ang napiga ng mga ito mula kay Jak.

"Jennylyn Mercado," pag-amin nito.

Gayunpaman, hindi raw siya mapili sa kaniyang makakatrabaho.

"Pero kung bibigyan ako ng major project, kahit sino naman maging leading lady ko, okay lang. Kayo naman ang magju-judge niyan eh—kung magkakaroon ba ng chemistry ako at 'yung magiging leading lady ko 'di ba?" paliwanag niya. 

Natanong din si Jak tungkol sa isang larawan na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account kamakailan. Picture nila ito ni Bea at sinamahan niya ito ng caption na 'Jabea.'

 

#HMKM Jabea

A photo posted by Jak Roberto (@jakroberto) on


"Nag-post kami ng picture, kulitan lang. Sabi namin ni Bea, 'Ano kayang pangalan kapag tayo nagkatuluyan? JaBea ulit?'" kuwento nito.

Hindi naman ito ikinapikon ni Bea. Sa katunayan, siya pa ang nagtulak kay Jak na i-post ang litrato. Matatandaang 'JaBea' din ang tawag ng fans sa love team nila ng dating nobyong si Jake Vargas. 

Nagpapasalamat naman si Jak na hindi naging negatibo ang reaksiyon ng mga fans.

"Wala namang negative na comment. Lahat sila positive tapos natatawa sila," pagpapatuloy niya. 

Bukas naman daw si Jak sa posibilidad na ito. 

"If ever na bibigyan kami ng chance na mag-love team, okay na! Ang galing ni Bea eh! Magandang katrabaho 'di ba? It's an honor for me na makatrabaho si Bea bilang leading lady ko. Sino ba namang tatanggi?" sagot nito.

 

Abangan ngayong linggo si Angela 3.0 at ang JaBea moment ???? #HMKM

A photo posted by Jak Roberto (@jakroberto) on


Sang-ayon naman dito si Bea. "JaBea 2.0. Why not 'di ba? Trabaho 'yun. More work, more fun! Kung ano 'yung ibibigay ng GMA, why not? Okay naman 'tong si Jak," ayon dito.

Nagbigay din ng kuro-kuro ang kasalukuyang ka-love team ni Bea na si Derrick. "May tiwala naman tayo sa ating network 'di ba? Hindi nila tayo pababayaan," aniya. 

MORE ON JAK ROBERTO:

Jak Roberto, nagkuwento tungkol sa kanyang character sa 'Hanggang Makita Kang Muli'

WATCH: Derrick Monasterio and Jak Roberto LSS with the song