David Licauco to his best friend Dustin Yu: 'Miss na kita. Bakit ka ba nandiyan [sa PBB]?'
Kamakailan lamang ay nagbigay ng mensahe si Pambansang Ginoo David Licauco sa best friend at Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate na si Dustin Yu.
Ang nakakatawa ngunit touching na mensaheng ito, ipinahayag ni David sa kaniyang interview sa GMA Integrated News kasama si Nelson Canlas.
“Dustin, kamusta ka naman? Miss na kita. Bakit ka ba nandiyan?” natatawang sabi ni David.
Ngunit sa kabila nito ay tunay raw na proud ang aktor sa ipinapakita ni Dustin sa loob ng bahay ni Kuya.
“Totoo 'yun, miss kita. But I just want to let you know that I'm really, really proud of you,” saad ng aktor.
Biro pa ni David, “Badtrip ako na wala akong ka-text at wala akong kaibigan ngayon na puwede kong tawagan [at sabihin] na 'Uy, pare naman, hindi ako ni-reply-an ni… joke lang!”
Game din daw si David pumasok sa loob ng bahay ni Kuya kung makakasama niya ang best friend, “'Pag andoon si Dustin [papasok ako], pero sigurado nandoon 'yun, e, so baka puwede naman.”
Napanonood si Dustin sa pinakabagong edisyon ng sikat na reality TV show na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition mula Lunes hanggang Biyernes, 10:00 p.m. at tuwing Sabado at Linggo, 6:15 p.m. sa GMA, Kapuso Stream, GMANetwork.com, GMA Pinoy TV, Kapamilya Online Live, iWanTFC, at TFC.
Samantala, tingnan ang highlights ni David Licauco sa katatapos lang na Bench "Body of Work" event.
Kathryn Bernardo and David Licauco
Ipinakita ni David Licauco ang onstage moment sa "Bench Body of Work" fashion show kasama si Kathryn Bernardo, kung saan nakangiti sila sa isa't isa.
David Licauco with P-pop Kings SB19
Nakasamang rumampa ni David Licauco sa "Bench Body of Work" fashion show ang P-pop Kings SB19.
Derrick Monasterio and David Licauco
Na-meet din ni David Licauco sa fashion show ang Kapuso hunk at SLAY actor na si Derrick Monasterio.
David Licauco and Dingdong Dantes
Ipinakita rin ni David Licauco ang moment nang makipagkamay kay Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa stage ng "Bench Body of Work."
Alden Richards
Bukod kay David Licauco, rumampa rin sa "Bench Body of Work" fashion show si Asia's Multimedia Star Alden Richards.
Topless
Sa "Bench Body of Work" fashion show, sinorpresa ni David Licauco ang lahat nang mag-topless at ipinakita ang kanyang abs.
Showbiz
Kuwento ni David Licauco, minsan kapag nakakakita siya ng malaking stage at napapasama sa ganito kalaking event ay binabalikan niya kung paano siya nagsimula sa showbiz.
Opportunities
"Grateful" at masaya si Pambansang Ginoo David Licauco sa mga dumarating na oportunidad sa kanya.