What's on TV

'Mama Beth,' tampok sa 'Karelasyon'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 25, 2020 11:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Mapagmahal na ina at lola, mabuting biyenan din ba?  

Sa pagnanais ni Ana (Thea Tolentino) na mapabuti ang kabuhayan ng kanyang pamilya, nagdesisyon siyang mangibambayan kahit na tutol ang kanyang asawang si Neil (Kristoffer Martin). At tulad ng maraming ina na nakikipagsapalaran sa ibang bansa, ipinaubaya ni Ana ang pangangalaga ng kanyang anak na si Myka sa kanyang inang si Mama Beth (Gina Alajar). 

Sa una, ang buong akala ni Mama Beth ay magiging simple lang ang kanyang tungkulin ngunit ang hindi niya alam, isa palang kalbaryo ang kanyang mararanasan. Hindi lang pala apo ang kanyang dapat alagaan, kung hindi pati ang pasaway na manugang. Nariyan na ang tila pagbubuhay binata ni Neil at ang patuloy na dahilan ng madalas na hindi pagkakaintindihan nila ni Ana. Mas lumala pa ang sitwasyon nang pati ang mga kamag-anak ni Neil ay nakitira at nakisawsaw pa sa away ng mag-asawa. 

Matitiis kaya ni Mama Beth ang mga pagsubok na kanyang pagdaraanan alang-alang sa kanyang pamilya? Hahayaan na lang ba niya na maghiwalay ang mag-asawa o gagawa pa siya ng paraan kahit para sa kanyang manugang ay isa na siyang
pakialamera? 

Isang maintrigang kuwento patungkol sa mga nanay at mga sakripisyong kanilang ginagawa para sa pamilya ang matutunghayan sa sunod na itatampok ng Karelasyon. Pagbibidahan ito ng batikang akres na si Ms. Gina Alajar kasama sina Thea Tolentino, Kristoffer Martin, Mikoy Morales at iba pa. Sa panulat ni Ralston Jover at direksyon ni Adolf Alix, Jr. 

Mapapanood ang Karelasyon kasama si Ms. Carla Abellana tuwing Sabado pagkatapos ng Eat Bulaga.