What's Hot

Gee Canlas, kinikilig kay Jaclyn Jose

By MARY LOUISE LIGUNAS
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 4:05 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



“Grabe. Hindi pa po siya nanalo, kinikilig na ‘ko eh. First taping day pa lang, sinasabi ko na sa mga kaibigan ko na kinikilig ako nung nagka-eksena kami. So how much more ngayon? Nakakakilig siya talaga." - Gee Canlas


Hindi maiwasan ng young actress at YouTuber na si Gee Canlas na ma-starstruck kay Jaclyn Jose sa taping ng kanilang bagong show na A1 Ko Sa’yo. Nang manalo pa ito bilang Best Actress ng 2016 Cannes Film Festival, nahaluan ng iba’t-ibang emosyon ang kanyang naramdaman. 

 

There are people who motivate you to be better at your craft simply by being so excellent at what they do. A real treat to be doing a project with Ms @jaclynjose! Congrats again for your big win! ???????????? #BringingMyAGame #Grateful #A1KoSayo #VedaArtist

A photo posted by @geecanlas on

 
“Grabe. Hindi pa po siya nanalo, kinikilig na ‘ko eh. First taping day pa lang, sinasabi ko na sa mga kaibigan ko na kinikilig ako nung nagka-eksena kami. So how much more ngayon? Nakakakilig siya talaga,” kuwento ni Gee.
 
Bilang isang aktres na gustong mahasa ang talento sa industriya, ginagamit niya ang pagkakataong makatrabaho si Jaclyn para mapabuti ang kanyang sarili.
 
“Nakakabigay ng fuel para igihan pa namin. Kasi 'di ba, winner [kasama mo] eh [so] kailangan i-[level] up mo 'yung skill mo,” kuwento niya.
 
Ang gagampanan ni Gee sa sexy comedy show ay isa sa mga young talents ng ahensya na pinamumunuan ni Digna, ang role ni Jaclyn Jose. Magsisimula umere ang programa bukas, June 2 sa GMA Telebabad.