Filtered By: Showbiz News | News
David Licauco and Kathryn Bernardo at 'Bench Body of Work'
Photo source: davidlicauco (IG)
Showbiz News

David Licauco, kinilig nang mapag-usapan sila ni Kathryn Bernardo

Hindi napigilan ni Pambansang Ginoo David Licauco na maging isang fanboy sa Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo.

Simula noong nagkasama sa iisang stage si David at Kathryn sa Bench "Body of Work" fashion show, marami ang nakapansin ng kanilang chemistry.

Sa mediacon ng bagong pelikula ni David na Samahan ng mga Makasalanan, ibinahagi ni David ang kaniyang reaksyon sa mga ninanais sila pagtambalin ni Kathryn.

"Nagulat ako, siyempre. Growing up, si Kathryn yung someone na I really looked up to," sabi ng aktor.

Inamin ni David na napanood na niya lahat ng pelikula ni Kathryn kasama ang dati niyang boyfriend na si Daniel Padilla.

Pag-amin ng Kapuso actor, "I am a fan and now, I have been seeing mga write-ups about us, Kinikilig ka din dun, kahit sino, and I think anybody wants to work with Kathryn."

Samantalang, nag-react din ang nanay ni David na si Eden Licauco tungkol sa recent runway moment ng kaniyang anak at ng Kapamilya actress sa isang cooking segment ng Unang Hirit.

"He's been vocal naman kasi na parang dream din niya na maka-partner niya si Kathryn. Noong nakasama niya sa Bench show, I was happy for David," ikinuwento ni mommy Eden.

Nabanggit din niya na nagkita na noon sina David at Kathryn sa isang event ng brand noong nakaraang taon. Ayon kay mommy Eden, approve daw sa kaniya na magsama ang dalawa sa isang TV series o pelikula.

Samantala, tingnan dito ang behind-the-scenes photos ni David Licauco sa Bench Body of Work fashion show:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.