Ano'ng masasabi ni Heart Evangelista nang makita si Sarah Geronimo na suot ang kanyang obra?
“Kilig” ang naramdaman ni Heart nang makita si Sarah G na suot ang Mark Bumgarner gown na hand-painted niya.
“Kilig” ang Kapuso star na si Heart Evangelista nang makita ang Philippines’ Popstar Royalty na si Sarah Geronimo na suot ang kanyang hand-painted gown mula sa MBxLM collection nila ni fashion designer Mark Bumgarner.
A photo posted by Love Marie Ongpauco Escudero (@iamhearte) on
Inilunsad ng Juan Happy Love Story star at ng kanyang malapit na kaibigan ang kanilang koleksyon noong Enero nitong taon.
Bukod sa showbiz career ni Mrs. Escudero, pinagtutuunan niya rin ng pansin ang kanyang hilig sa sining bilang part-time painter kung saan nakapag-showcase na siya ng kanyang mga obra sa Singapore at nakapag-pinta ng luxury bags.
MORE ON HEART EVANGELISTA:
Maine Mendoza wears hand-painted dress by Heart Evangelista
WATCH: Heart Evangelista paints a bag