Behind the scenes of 'Samahan Ng Mga Makasalanan'
Nagbigay ng pasilip ang GMA Pictures sa kanilang upcoming comedy film ngayong Abril na Samahan Ng Mga Makasalanan.
Ang Samahan Ng Mga Makasalanan ay ang pelikula kung saan gaganap si David Licauco bilang Reverend Sam. Kasama rin sa pelikula sina Sanya Lopez at Joel Torre na gaganap naman bilang Mila at Father Danny.
Makakasama rin sa Samahan Ng Mga Makasalanan sina Sanya Lopez, Joel Torre, Soliman Cruz, Betong Sumaya, Chariz Solomon, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Buboy Villar, at David Shouder. Samantala, abangan din ang karakter nina Chanty Videla, Liana Mae, Shernan Gaite, Tito Abdul, Tito Marsy, Christian Singson, Yian Gabriel, Batmanunulat, at Euwenn Mikaell.
Ipapalabas sa mga sinehan nationwide ang Samahan Ng Mga Makasalanan sa darating na April 19. Ito ay mula sa direksyon ni Benedict Mique at panulat nina Aya Anunciacion at Benedict Mique.
Silipin ang ilang mga larawan mula sa aabangang pelikula ngayong Abril na Samahan Ng Mga Makasalanan.
David Licauco
Maghanda na sa comedy film na 'Samahan Ng Mga Makasalanan' kung saan bibida si David Licauco bilang Reverend Sam.
Reverend Sam
Saad sa post ng GMA Pictures, "Ayan, kinikilig ka na naman dahil nakita mo ulit si Reverend Sam (David Licauco)!"
Sanya Lopez
Kasama rin sa aabangang cast ang Kapuso star na si Sanya Lopez. Siya naman ang gaganap sa karakter na Mila.
Taping
Ipinakita rin ng GMA Pictures ang ilang mga larawan sa taping ng pelikulang 'Samahan Ng Mga Makasalanan.'