RaMi, ACLey, WilVer, bakit nominado sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition'?
Naganap na ang kauna-unahang nomination night sa teleserye ng totoong buhay na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Labis itong sinubaybayan ng mga manonood at talaga namang ikinagulat ng marami ang resulta ng nominasyon noong Linggo, March 23.
Alamin kung sinu-sino ang celebrity housemates ang mga unang nominado at kung bakit nanganganib silang ma-evict sa Bahay ni Kuya sa gallery na ito.
RaMi
Sina Ralph De Leon at Michael Sager ang unang pares na binanggit sa kauna-unahang nominasyon sa 'Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.'
Issues
Base sa naging pahayag ng housemates ng ACLey, nakikita nila sa duo ang pagiging insensitive, pag-o-overstep sa leaders ng mga task, at hindi pa rin nagiging genuine sa mga kasama.
Not present
Ayon sa housemates ng WilVer, nasa duo na ito ang hindi umano present sa tasks at walang initiative sa chores sa loob ng Bahay ni Kuya.