Juancho Trivino, Elijah Alejo, Angela Alarcon, Mike Tan, dumalo sa 27th Kadalag-an Festival
Dumalo at nagbigay-saya ang ilan sa mga Kapuso stars sa naganap na Kadalag-an Festival sa Negros Occidental. Napgunta doon sina Juancho Trivino, Elijah Alejo, Angela Alarcon, at Mike Tan para magpasaya ng mga Kapuso.
Ang Kadalag-an Festival ay isinasagawa para ipagdiwang ang cityhood at pagtatalaga ng Victorias City bilang isang siyudad. Paraan din nila ito para magbigay-pugay sa kanilang patron saint na si Nuestra Señora delas Victorias.
Tingnan kung papaano nakidiwang at nagpasaya sina Juancho, Elijah, Angela, at Mike sa Victorias City, Negros Occidental sa gallery na ito:
St. Joseph the Worker Parish Church
Nagkaroon ng quick tour sina Juancho Trivino, Elijah Alejo, Angela Alarcon, at Mike Tan sa St. Joseph the Worker Parish Church sa Victorias City, Negros Occidental. Dito rin makikita ang modern altar painting ng "Angry Christ" ng Filipino-American abstract expressionist artist na si Alfonso Ossorio.
Angela Alarcon
Dumalo sa festivities at nagbigay ng masayang performance si Kapuso actress Angela Alarcon.
Celebrating with the Kapuso in Victorias City
Masaya naman ang fans sa pagpunta ni Angela na game na nagpa-picture sa ilang mgamanonood. Isang lucky fan pa ang nakasama ng aktres sa entablado.
Elijah Alejo
Prim and pretty si Elijah Alejo nang mag-perform siya sa naganap na Kapuso Fiesta sa Victorias City.
Happy performance
Tila masaya rin ang mga dumalo sa 27th Kadalag-an Festival sa performance na ipinamalas ni Elijah para sa mga Kapuso doon.
Juancho Trivino
Looking fresh at pogi si Juancho Trivino nang dumalo siya sa 27th Kadalag-an Festival at nagbigay ng kaniyang performance para sa mga Kapuso sa Victorias City, Negros Occidental.
Panalo ang mga Kapuso
Panalo ang mga Kapuso na dumalo at nanood sa Kapuso Fiesta dahil sa performance na hatid ni Juancho para sa kanila. May dala ring kilig ang aktor lalo na nang imbitahan niya ang isang fan para makasama sa entablado.
Mike Tan
Charisma at charm ang hatid ni Mike Tan sa pagdalao niya sa naganap na Kapuso Fiesta sa Victorias City, Negros Occidental.