Filtered By: Showbiz News | News
Neri Naig and Chito Miranda
Source: chitomirandajr (IG)
Showbiz News

Neri Naig tinuturing na 'bangungot' ang kaniyang pagkaka-detain

Binalikan ng celebrity entrepreneur na si Neri Naig ang masalimuot niyang sinapit matapos makulong dahil sa mga kaso na may kinalaman sa skincare company na Dermcare/Beyond Skin Care Solutions.

Matatandaan na sa isang pahayag, kinumpirma ng asawa ni Neri na si Parokya ni Edgar vocalist na si Chito Miranda noong March 4 na dinismiss ng Pasay Regional Trial Court ang mga isinampang kaso laban sa kaniya.

Sa Instagram post ni Neri Naig kahapon (March 21), inalala niya ang nakapanlulumo niyang sinapit.

Sinigurado rin niya na magsasalita siya sa takdang panahon, pero, inilarawan niyang isang "bangungot" ang pagkakulong niya.

Sabi niya, “I know many of you are waiting for me to tell my side of the story. When the time is right, I will. O kung kailangan pa bang ikwento ang lahat--mula sa pagdakip sa akin, sa kahihiyan, sa pagkakadetain, at sa agarang paglipat sa BJMP, kung saan dali-dali akong pinasuot ng yellow uniform.

“But for now, let me just say this: It was a nightmare. Isang pagsubok at bangungot na hindi ko kailanman malilimutan.

“Sa kabila ng lahat--the labels, the ridicule, the judgment--I chose silence. Because I've learned that when we are in pain, it's easy to say things we don't mean. Pero hindi ako yun. I refuse to let anger or hurt define me.”

Bagama't alam niya na may ilang hinusgahan siya agad, mas pinipili ng asawa ni Chito na alalahanin ang mga taong sumuporta sa kaniya sa pagsubok na hinarap niya.

Pagbabalik-tanaw nito, “Some celebrated my lowest point, ginawa pa akong content para pagkakitaan. They judged me, questioned me, and discredited my hard work.”

“But there were those who stood by me, defended me, and lifted me up without asking for anything in return--I see you, I appreciate you, and I hope one day, I can do the same for you.

“Sa lahat ng naniwala, sumuporta, at nagdasal para sa amin, maraming, maraming salamat po!”

Labis din ang pagtanaw ng utang na loob ni Neri kay Chito na tinawag pa niyang 'hero.'

Pagpapatuloy niya, “At sa asawa ko, ang hero ng buhay ko--NEVER mo akong iniwan since day one.

“It was a rollercoaster of emotions, at sobrang kapit ko sayo dahil bagsak na bagsak ako. Pero yung pagmamahal mo, yun ang nagbigay sa akin ng pag-asa. Hindi ka sumuko at umuwi hanggat hindi mo ako kasamang umuwi sa mga bata.”

“Sabi mo, mababait pa rin ang mga tao, kahit hindi ko iyon makita sa mga panahon na yun.

“Life moves forward, and so will we. Hindi man ako naging Wais sa sitwasyong ito, pero kailanman, never ako nanloko, nanlamang, or nagnakaw sa kahit sino.

“At sa pagdapa ko, unti-unti akong babangon--at makikita ang lesson na gustong ipakita ni Lord sa akin.”

Nitong buwan din ng Marso, idinaos nina Chito at Miranda ang kanilang renewal of vows.

Ipinadiwang nila ang kanilang 10th wedding anniversary noong December 2024.

RELATED CONTENT: Neri Naig and Chito Miranda receive emotional support from fellow celebrities

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.