
Alam n'yo ba na laki sa lola si Marian? Inalagaan siya ni Lola Francisca for 22 years!
Sa episode ng Yan Ang Morning!, napaiyak ang Kapuso Primetime Queen nang banggitin ang relationship niya with her lola.
Aniya, “Kasi, naiiyak talaga ako? Hindi, kasi ano, sobrang thankful ako sa lola ko kasi ‘yung lola ko rin kasi ‘yung nagbigay ng meaning sa buhay ko. Na parang hindi totoo na 'pag walang nanay at tatay sa tabi mo, magiging pariwara kang anak. Thankful ako sa lola ko na pinalaki ako na, alam mo ‘yun, na matatag.”
Dagdag pa niya, “Siyempre, buhay ko rin 'yung anak ko 'tsaka asawa ko, pero nauna sa buhay ko rin ‘yung lola ko eh.”
Naikuwento pa niya kung ano ang pinaka-birthday wish niya taon-taon. Ika niya, “Alam mo palagi kong dasal, every time na birthday ko, wini-wish ko na sana mas humaba pa ang buhay niya [ni lola].”
MORE ON 'YAN ANG MORNING!':
Ano'ng reaksyon ni Janine Gutierrez sa planong pagpapakasal ng kanyang ina na si Lotlot de Leon?
Sino ang pinakamatagal na on-screen kiss ni Louise delos Reyes?