Filtered By: Showbiz News | News
Hajji Alejandro
Source: racheljalejandro (IG)
Showbiz News

Hajji Alejandro's girlfriend Alynna Velasquez, nagkwento tungkol sa sakit ng singer

Nagbigay na ng update ang dating singer na si Alynna Velasquez tungkol sa sitwasyon ng OPM icon na si Hajji Alejandro.

Sa isang panayam kasama si Julius Babao, kinumpirma ni Alynna na na-diagnose ang kanyang nobyo ng stage 4 colon cancer. Kuwento niya, biglaan ang pangyayari at hindi nila inakalang mauuwi ito sa operasyon.

"It was just an ordinary day na he had a show...Sa Vigan kasama 'yung Hitmakers. Parang na-bloat siya and he could not breathe, he could not eat, he could not do anything. So sinabi ko pa-check up siya. So, when he had a CT scan nalaman na.... He heard it from the doctor and he said that he needed to have an operation, like, ASAP," kuwento ni Alynna.

Ayon pa sa dating singer, wala raw siya nakitang reaksyon kay Hajji nang nalaman nila ang sakit nito. Ngunit dahil kilala niya ang kanyang partner sa loob ng 27 years, nararamdaman niyang takot ito at hindi makapaniwala sa resulta.

"Biglaan na lang talaga,e. Nag go-golf siya. He does everything, he walks...healthy eating naman siya, and all of a sudden that happened," ani Alynna.

Pagkatapos raw ma-operahan, nagkaroon naman ito ng seizures dahil sa infection. "So na-rush siya sa ICU and it took a while because they're trying to find out saan nanggagaling 'yung infection because it's not from the operation. It's somewhere else," malungkot binalikan ng singer.

Inamin ni Alynna na hindi niya maiwasang maging emosyonal noon ngunit patuloy siyang nagdasal para sa kanyang partner.

"It was that day when I felt na naramdaman ko na he's not with us anymore kasi sedated and intubated siya. I spoke to God, crying, 'Lord, please save Hajji. Now if you do, I'll take care of him for the rest of his life, my life. Please, I want to take him home, Lord,'" pahayag niya.

Sa awa naman ng Diyos, nalaman din ng mga doktor ang problema at patuloy gumaling si Hajji sa ospital. Pagkatapos ng isang linggo, unti-unting bumalik naman ang sigla ng OPM singer at madalas kinakausap na niya si Alynna.

Sa ngayon, patuloy nagpapagaling si Hajji. Sinusubukan na rin niyang sanayin ang kanyang katawan upang makagalaw at makatayo muli nang mag-isa.

Pumutok noon ang balita na nasa ospital si Hajji Alejandro. Simula noon, nakatanggap ang OPM singer at kanyang pamilya ng mga dasal galing sa kanyang kaibigan, celebrities, at fans.

Kilala si Hajji Alejandro bilang isa sa icons ng OPM industry. Siya ang umawit ng ''Tag-Araw, Tag-Ulan" at “Kay Ganda ng Ating Musika,” na nanalo ng grand prize sa 1978 Metropop music festival.

Mas kilalanin pa ang orihinal na 'Kilabot ng mga Kolehiyala' sa gallery sa ibaba:

Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.