Ivana Alawi, inilarawan ang housemates bago lumabas ng 'Pinoy Big Brother' house
Pinag-uusapan sa social media ang mga kaganapan sa latest episode ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition na ipinalabas nitong Linggo, March 16.
Natunghayan ng mga manonood ang seryosong pagpapaalam ni Ivana Alawi sa housemates bago siya lumabas ng Bahay ni Kuya.
Isa-isang inilarawan ni Ivana ang housemates habang nakaharap silang lahat sa una.
Alamin sa gallery na ito kung ano ang naging pagkakakilala ni Ivana sa mga nakasama niya sa Big Brother house.
Ashley Ortega
Ivana Alawi kay Ashley Ortega: “Ashley, bubbly at ang last impression ko napakabuti mong tao.”
Josh Ford
Ivana Alawi kay Josh Ford: “Josh, you are a strong person. Sobrang napabilib mo ako talaga.”
Mika Salamanca
Ivana Alawi kay Mika Salamanca: “Mika, maldita ang tingin ko sa'yo pero sobrang sweet mo, sobrang bait mo.”
Will Ashley
Ivana Alawi kay Will Ashley: “Will, first impression ko baby boy pero ang last impression ko, respectful.”
Charlie Fleming
Ivana Alawi kay Charlie Fleming: “Charlie, you are so excited to do everything and siyempre hindi perfect pero you're going there.”
Kira Balinger
Ivana Alawi kay Kira Balinger: “Kira, unang tingin ko sa'yo maarte pero hindi pala, sobrang sweet at sobrang soft ng heart.”
Klarisse De Guzman
Ivana Alawi kay Klarisse De Guzman: “Ate Klang, marami kang talent at malayo pa ang mararating mo.”
Ralph De Leon
Ivana Alawi kay Ralph De Leon: “Ralph, unang tingin ko sa'yo sobrang strong pero may baby boy pala sa loob.”
River Joseph
Ivana Alawi kay River Joseph: “River, una akalo ko ayaw mo lumapit sa amin pero 'yun pala hindi naman.”