Nova Villa on working with Michael V: "He always makes us laugh"
Inilarawan ng aktres kung paano makisama si Bitoy sa kanyang mga katrabaho.
Pinuri ng veteran comedienne na si Nova Villa ang kaniyang co-actor at creative director sa Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa magaling nitong pakikisama sa buong team ng high-rating sitcom.
Ayon sa exclusive interview ng GMANetwork.com kay Tita Nova, sinabi nito na napaka-humble ni Bitoy sa kabila ng naabot niyang kasikatan.
Aniya, “Si Michael V is a very humble person. Ang humble na tao siya eh, he’s very good. He always makes us laugh, talagang comedian.”
“At the back of the camera talagang comedian siya. Tawang-tawa talaga kami sa kanya so at home ka,” dagdag ng magaling na komedyante.
Umamin din si Tita Nova na kahit parang pamilya na ang turing nila kay Michael V ay nanatili pa rin ang mataas na respeto nila sa kanya bilang isa sa mga head ng kanilang comedy program.
“Mataas ang pagtingin namin [sa kanya] kasi aside from co-actor, he’s the writer at tsaka creative director,” ani ng veteran actress.
Very open din ang Sa Piling Ni Nanay actress kay Michael V lalo na sa pagsha-share ng kaniyang mga life experiences na minsang ay ginagawang kuwento nito.
Saad niya, “Dahil kami nga totoong buhay ‘yung aming pinoportray na stories, ‘yung nangyayari sa totoong buhay so we share. Lalo na ako dami kong nai-shi-share kay Bitoy.”
MORE ON PEPITO MANALOTO:
'Pepito Manaloto' Bloopers: Shooting daw hindi buffet, Mimi!
LOOK: Funny Kapuso Hunks