Vice Ganda slams alleged post about ex-President Rodrigo Duterte: 'FAKE NEWS'
It's Showtime host Vice Ganda quickly addressed the fake post circulating online, where she allegedly issued a statement about the drug war campaign of former President Rodrigo Duterte.
In her Facebook post, Vice stressed, “FAKE NEWS!”
She added, “Huwag paniwalaan ang kumakalat na pahayag na ito! Wala po akong inilabas o sinabi na ganitong statement. Maging mapanuri at huwag basta maniwala sa impormasyong walang malinaw o opisyal na pinagmulan. Please report!”
The award-winning host and comedian also asked her followers on X to report the fake post.
I never stated this. Pls report. https://t.co/0xYEuGbPqv
-- jose marie viceral (@vicegandako) March 11, 2025
On It's Showtime today, March 12, Vice reiterated, "Mag-iingat kayo sa mga nababasa n'yo ha. Hindi lahat totoo, katulad ng mga kumakalat na mga statement ko sa Facebook, hindi ko po statement 'yun. Iwasan n'yo po ang pagre-repost.”
The Kapamilya comedienne also lamented that not everyone does fact-checking, "Basta repost lang nang repost. Wala po ako nilalabas na statement sa Facebook.”
Yesterday, Duterte was arrested by the Philippine National Police on order of the International Criminal Court (ICC). He was then sent by plane to the Netherlands to face criminal charges against humanity in connection to his deadly "war on drugs" campaign during his term.
Meanwhile, here are some celebrities who slammed fake social media posts using their names:
Kaye Abad
Noong 2013, nabiktima na ng fake Instagram account ang aktres na si Kaye Abad. Babala niya noon na nakakabahala ang kinikilos ng gumawa pekeng Instagram page. Post niya, “Hi guys!!! Just to inform you this is not my account. Ok lang namang gumawa ng account para sakin. Pero sana wag magpanggap na ako. Salamat!”
Ronnie Liang
Wala siyang hinihingi na pera. Ito ang paglilinaw na ginawa ng singer at licensed pilot na si Ronnie Liang nang malaman niya ang tungkol sa fake Instagram page gamit ang kanyang pangalan, ang @ ronnieliang22. Pakiusap niya sa publiko, “I have received reports that this ig account is sending private messages, asking for money, and inviting people for meet-ups. Please be informed that it is an IMPOSTOR and FAKE account. I only have one official Instagram account, so if you ever receive private messages from this ronnieliang22 account, please ignore, block, or report them. Thank you."
Eugene Domingo
“This is not MINE.”
"This is not MINE." Ito ang pinagdiinan ng multi-awarded actress na si Eugene Domingo nang malaman niyang may isang fake Instagram page na gamit ang kanyang pangalan.
Pinaalalahan ng aktres ang publiko na hindi siya konektado sa bogus account na @eugenedomingo_backup_account.
Derek Ramsay
Agad na ipinaalam ni former 'The Better Woman' star Derek Ramsay sa kanyang fans na may fake Instagram account siya.
Andrea Torres
Nagbabala noong January 2018 ang Kapuso sexy actress na si Andrea Torres na mayroon lamang siya verified Facebook page, pero binigyan diin niya na wala siyang personal account.
Mike Tan
Nag-post noong July 2018 si Kapuso leading man na si Mike Tan na ang Instagram username na @imiketan lang ang kanyang account sa Instagram. ]Samantala, muli siyang nagbabala ngayong June 2020 tungkol sa isang dummy Facebook account na ginagamit ang kanyang full name na Jan Michael Silverio Tan.
Marc Pingris
Labis ang pagkadismaya ng PBA cager na si Marc Pingris na ang poser niya sa Facebook ay ginamit ang kanyang pangalan para makabenta ng sapatos. Saad ni Marc sa Instagram post niya noong November 2017, "MAHIYA NAMAN KAYO SA MGA NILOLOKO NYO!!!! [angry emojis] GAGAMITIN NYO PA PAMILYA KO PARA MAKABENTA KAYO NG SAPATOS NYO!! TITAN PO LAHAT NAG BIGAY NG SAPATOS KO !!!! AT ISA PA WALA AKO FACEBOOK!! IG LANG MERON AKO AT WALA AKO KILALA NA "MARCUZ SEBASTIAN DE MESA AT RICHARD UMALI!!! MAHIYA NAMAN KAYO SA MGA TAO!!!! pls share nyo naman to sa facebook"
Pia Wurtbzbach
Last September 2019, ibinulgar ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na may poser siya sa YouTube. Ipinost ni Pia ang fake YouTube channel sa Instagram Story. Pinaalalahan niya ang kanyang followers kung ano ang tunay niyang channel sa video-sharing site.
Analyn Barro
In-expose ng 'Bubble Gang' star na si Analyn Barro ang poser niya sa Instagram na 'JanellaOoi' na humingi pa raw ng pera sa followers nito. Tanging ang @anabarro lamang ang kanyang account sa photo-sharing site.
Chito Miranda
Ipinaalam ng 'Parokya ni Edgar' vocalist na si Chito Miranda na may fake Twitter account siya na @itsme_chito_ nito lamang January 2020.
Marlo Mortel
Galit ang actor/singer na si Marlo Mortel sa kanyang online poser na kumukuha ng personal information ng ibang actor. Heto ang Instagram post ni Marlo noong November 2019, "YOU WILL PAY FOR THIS. 3 YEARS AGO YOU DID THE SAME THING WITH SEVERAL ACTORS. YOU CALLED AND PRETENDED TO BE ME TO GET INFORMATION AND EVEN SAID NASTY THINGS THAT I TOOK THE BLAME FOR. I MAY HAVE LET YOU OFF THE HOOK BUT THIS TIME IS DIFFERENT. YOU'LL SEE. (NEVER FALL FOR THIS)"
Ivana Alawi
Nagbabala ang sexy actress na si Ivana Alawi na fake ang Facebook page na may mahigit sa 800,000 followers. Ayon kay Ivana, ang official Facebok page niya ay ang account na may mahigit sa 3 million followers. Nagbabala din ito sa fake Twitter account na kumakalat kamakailan.
Vico Sotto
Hindi rin nakaligtas ang millenial mayor ng Pasig City na si Vico Sotto sa mga nagkalat niyang fake social media account. Kaya nagpaalala siya sa followers niya sa Twitter na huwag magpaloko. Aniya, " Don't forget that there are a lot of fake accounts, fake quotes, fake anything-you-can-think-of... Hassle to deal w this on top of a health crisis.. di siguro maiwasan sa panahon ngayon lalo na't maraming bored."
Ethel Booba
Nasorpresa naman ang marami nang sabihin ng komedyanteng si Ethel Booba na hindi sa kanya ang Twitter account @IamEthylGabison, na may mahigit 1.6 million followers. Sa kanyang Instagram post noong April 8, sinabi niyang "fake" ang account na ito.
Diego Gutierrez
Pinaalalahanan ni Diego Loyzaga ang kanyang followers noong 2016 na mayroon siyang poser sa Instagram.
Pokwang
Ramdam ang inis ni Marietta Subong o mas kilala sa pangalang Pokwang, nang malaman niya na may fake Facebook account siya. Nagbabala ang comedienne sa Instagram na mag-ingat sa poser na ito sa FB. "WARNING ANOTHER FAKE ACCOUNT! Ang legit lang po na accnt namin ay ang mga sumusunod,POKLEE food products, POKLEE cooking at MALIA O'brian, Lee O'brian at Marietta Subong na hindi from Davao po."
Ellen Adarna
Binigyang diin ng sexy actress na si Ellen Adarna na wala siyang kinalaman at sinabing "fake" ang Twitter account na @mariaelenadarna na may mahigit sa 50,000 followers.
Andi Eigenmann and Philmar Alipayo
Nilinaw ni Andi Eigenmann na hindi sa kanila ni Philmar Alipayo ang page na may higit 90,000 likes sa Facebook. Ani Andi, "Not us! Please unfollow."
Marian Rivera
"Fake!!!" Ito ang matapang na pahayag ni Marian Rivera nang makita niya ang pekeng Facebook account na ginagamit ang kanyang pangalan. Ang account na ito ay namamahagi umano ng PhP 5,000 para sa mga Kapuso.
Shaira Diaz
Ginamit naman ang pangalan ni Shaira Diaz para humingi ng online donations sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.
Paolo Ballesteros
"Not me" ang naging pahayag ni Paolo Ballesteros nang makita niya ang account na gumagamit ng kanyang pangalan at litrato.
Jelai Andres
Sa Tiktok naman natagpuan ni Jelai Andres ang kanyang poser. Saad niya sa kanyang post, "Follow niyo po acct ko. Wala po akong ibang acct satiktok maliban yan! Kagagawa ko lang po kahapon. Poser po yung ibang nafollow niyo, hindi po ako yun. Eto lang legit po. Thank you lab u."
Angel Locsin
Pinag-iingat ni Angel Locsin ang mga tao sa account na Angel Locsin Staffed sa Facebook. Saad ng aktres, "This is not me. Magingat po."
Mark Bautista
Nagbabala ang singer-actor na si Mark Bautista sa kanyang Instagram account tungkol sa isang fake account na gamit ang kanyang pangalan, “Guys this is not me. Blocked the account already. If you happen to receive DM's from this person kindly ignore or block the acct. Thank you.”
Heart Evangelista
Agad na ipinaalam ng 'Queen of Creative Collaboration' na si Heart Evangelista sa kanyang followers na may isang social media account na ginagamit ang kanyang pangalan at nangangakong mamimigay sa mga underprivileged student ng free tablet para sa kanilang pag-aaral.
Fino Herrera
Humingi ng tulong online ang actor/model na si Fino Herrera na i-report ang “fake” Facebook account niya na “Fino Herrera” na nagpo-post ng malicious at disrespectful content. Nilinaw din nito na ang Rufino Herrera page niya lamang ang kanyang official FB page.
Rhian Ramos
Ikinagulat ng Kapuso star na si Rhian Ramos na may Tiktok account siya na tinawag niya na isang “hoax.”
Barbie Forteza
Malinaw na ang Instagram account na @barbaraforteza na may blue check mark at may mahigit na 2.1 million followers ang official account ni Barbie Forteza sa social media site. Binalaan ng Kapuso star ang mga tao sa IG account na @barbieforteza8doneyet ay hindi sa kanya. Ginamit daw ang name niya sa TikTok sa naturang “fake” IG page na napag-alaman ni Barbie na nagbebenta ng mga produkto.
Janella Salvador
Tinuldukan ni Janella Salvador ang mga nag-aakala na mayroon siyang personal TikTok account. Nagbabala sa Instagram ang celebrity mom na ang account na @iamsuperjanella ay “fake.”
Dave Bornea
Agad na nagbabala ang Kapuso actor na si Dave Bornea nang malaman niya noong 2018 na may gumagamit ng kanyang pangalan sa Twitter nang walang pahintulot.
Kristine Hermosa
Tila napuno na ang former 'Hay, Bahay' actress na si Kristine Hermosa sa nasa likod ng fake Facebook account niya. Ramdam ang inis ng asawa ni Oyo Sotto sa Instagram post noong August 29 nang sabihin nito na ang “Kristine Hermosa Orille-Sotto” FB page na may two million followers ay nakakabastos na. Saad ni Kristine, “FYI. I don't own this FB page nor have any access to it. Please unfollow and report. Hindi nakakatuwa ang mga stories na pinopost. Nakakabastos na.”
Carla Abellana
Agad na nilinaw ng actress-vlogger na si Carla Abellana sa kanyang fans na wala siyang Lyka account matapos nitong makita ang kanyang pangalan sa naturang social media platform. Base sa impormasyon sa Google Play, mayroon itong tinatawag na digital point system kung saan binibigyan ang isang user ng rewards o tinatawag nilang “gems” para sa engagement nila sa naturang platform. Ang gems na ito ay puwede ipalit ng goods sa mga partner store ng Lyka.
Dennis Trillo
Maagap ang naging aksyon ni Kapuso Drama King Dennis Trillo nang malaman niya na may gumagamit ng kanyang pangalan na walang pahintulot sa social media. Sa sunod-sunod niyang post via Instagram Story, tinawag niyang “fake” ang Instagram page na may account name na “dennistrillo_private.”
Dingdong Dantes
Ngayong Enero 2022, ibinahagi ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account na mayroong gumawa ng pekeng LinkedIn account na ginamit ang kanyang larawan, buong pangalan, at credentials. Humingi rin ng tulong ang aktor sa publiko na i-report ang naturang account.
Ninong Ry
Nagbabala ang ninong ng bayan na si Ninong Ry tungkol sa isang fake Facebook page na ginagamit ang kaniyang pangalan at larawan na walang pahintulot. Ayon sa chef-YouTuber, isang scam ito. Aniya, “Mga inaanak, scam po ito. Hindi po ako ito. 'Wag po kayo magbibigay ng pera dito.”
Celeste Cortesi
Miss Universe Philippines 2022 titleholder Celeste Cortesi warned netizens that there are two Twitter pages using her name without permission. The Filipino-Italian beauty queen stated that the public should be mindful of these fake accounts and also shared her real Twitter account.
Alden Richards
Agad na umaksyon at ipinaalam ng Asia's Multimedia star na si Alden Richards sa kaniyang fans noong July 2020 na mayroong kumakalat na fake Instagram account gamit ang kaniyang pangalan.
Michael V.
Agad na nagbigay babala ang Kapuso comedian na si Michael V. sa kanyang mga followers upang maiwasan ang isang poser na gumagamit ng kanyang pangalan at larawan upang makapanloko ng netizen online.
Blue check
Natukoy agad ni Michael V. na hindi verified ang account ng kanyang poser dahil gumagamit lang ito ng profile photo na may blue check upang magmukhang verified sa unang tingin.
"POSER ALERT! May blue check pa 'yun pala 'BLUE CHECK' ang profile n'ya!," saad ni Bitoy.
Vice Ganda
Noong 2020, umalma rin ang sikat na komedyanteng si Vice Ganda sa isang account na gumagamit ng kanyang pangalan upang makakuha ng personal information ng mga tao.
Scammer
Sa post ng nasabing fake account, mabibigyan 'di umano ng tulong ang sinomang makapagbibigay ng kanilang personal na detalye kung kaya't agad na naalarma si Vice.