Jaclyn Jose, masayang nakasama ang anak na si Andi Eigenmann sa Cannes
"Dream come true for me to have my daughter back to back to walk sa red carpet. Ito na 'to, anak!" - Jaclyn Jose
Nasa France ngayon ang mag-inang Jaclyn Jose at Andi Eigenmann para Cannes Film Festival kung saan kabilang ang kanilang pelikulang 'Ma' Rosa.'
Ito ay pelikula ng award-winning director na si Brilliante Mendoza at isa sa benteng pelikulang umaasang makuha ang Palme d'Or o ang pinakamataas na pagkilala sa nasabing film festival.
"Dream come true for me to have my daughter back to back to walk sa red carpet. Ito na 'to, anak!" pahayag ni Jaclyn.
Sentimental naman para kay Andi ang pagpunta niya sa Cannes.
"Doing this gives me a different sense of fulfillment and it has been something that has been such a big part of my life since I was little," paliwanag ni Andi.
Matatandaang ang mga magulang ni Andi ay nakarating na rin sa Cannes noon—si Jaclyn para pelikulang Serbis noong 2008 at si Mark Gil noong 1982 para sa Batch '81.
Masaya naman si Brilliante Mendoza na mapasama sa mga bigatin na international film directors tulad nina Pedro Almodovar, Jim Jarmusch, Sean Penn, at Paul Verhoven.
"Kakaiba 'yung feeling kasi 'pag nandudoon ka na eh. Alam mo kasi na nandun ka sa isang film community na alam mo talaga lahat ng pinaguusapan at ang talagang pinupuntahan ng mga tao doon ay ang sining paggawa ng pelikula," kuwento nito.
Narito ang buong ulat ni Nelson Canlas.