
Sinagot ito ni Zoren sa guesting niya kamakailan sa Yan Ang Morning!
Sa guesting ni Zoren sa Yan Ang Morning!, tinanong ni Marian ang aktor kung okay lang ba sa kanya na manligaw na ang kanyang anak na si Maverick.
Ngunit very innocent pa nga raw ang kanilang 15-year-old para maisip ito, na pag may mga kissing scene raw sa movies, nagtatakip pa nga raw ng mata si Maverick.
Pero once, naikuwento raw ng driver nila na nagpabili si Maverick ng bulalak. Aniya, "Yun pala binigay doon sa isang babae."
So, okay lang ba sa kanya na may ligawan ang kanilang binata?
Wala raw problema kay Zoren kung may mapusuan si Maverick. Ika niya, "Ako, pinagsabihan ko lang si Maverick, [na] 'you let me know, so I can help you. Wag ka mahihiya.' Kailangan kasi open ka, para hindi mahihiya yung anak mong lalaki."
MORE ON YAN ANG MORNING!:
READ: Marian Rivera's Question of the Day: Agree or disagree ba ang mga mommies sa early education?
READ: Tanong ni Marian Rivera sa Yan Ang Morning!: Asawa o si baby muna ang priority?