Murder mystery series 'SLAY' cast revealed at story conference
Star-studded ang cast ng upcoming murder mystery drama na SLAY na nagkasama-sama na sa kanilang story conference.
Ang 'SLAY' ang kauna-unahang Viu Original ng GMA. Isang groundbreaking series ito para sa GMA Network at Viu Original dahil ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng magkaibang point of views ang kuwento sa television at nasabing video streaming platform.
Tingnan ang mga naganap sa story conference ng SLAY sa gallery na ito:
SLAY
Bibida sa GMA's first Viu Original series na SLAY ang Kapuso next dramatic superstars na sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose.
Viu Original
Sina Mikee Quintos, Julie Anne San Jose, Gabbi Garcia, at Ysabel Ortega kasama ang Viu Philippines Content Partnerships Head na si Garlic Garcia
Gabbi, Mikee, Ysabel, and Julie
Excited na rin ba kayong mapanood sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose sa isang murder mystery series?
Gabbi Garcia
Grateful si Gabbi Garcia na mapasama sa star-studded cast ng SLAY. Sabi niya, "Maraming salamat po. This character is so sophisticated. It's my first time doing this level of sophistication in a soap."
Mikee Quintos
Nagpapasalamat si Mikee Quintos sa napakagandang proyekto na ibinigay sa kanya. Aniya, "Salamat po sa napakagandang material. We wanna give justice, and we really wanna do our best and give our best."
Ysabel Ortega
Honored at grateful din si Ysabel Ortega dahil bago para sa kanya ang bumida sa isang murder mystery series. Kuwento niya, "Actually, this show po talaga is a lot of firsts for me, and it's also a very full circle moment."
Julie Anne San Jose
Thankful si Julie Anne San Jose sa pagkakataon na ibinigay sa kanya ng GMA Network at Viu Original na makagawa ng isang bagong proyekto. Aniya, "First time ko na makatanggap ng ganitong klaseng materials, so thank you so much for considering me. Napakaganda ng material na 'to that's why I automatically accepted it."
Derrick Monasterio
Makakasama rin sa upcoming murder mystery series na SLAY ang Kapuso hunk na si Derrick Monasterio.
Derrick Monasterio
Masaya si Derrick Monasterio na makatrabaho sa SLAY sina Gabbi Garcia, Mikee Quintos, Ysabel Ortega, at Julie Anne San Jose. Sabi niya, "Heto magkakasama tayong lahat. Hopefully, marami tayong matutunan sa isa't isa.
Chuckie Dreyfus
Looking forward si Chuckie Dreyfus na makatrabaho ang cast ng SLAY at sa mga challenging na eksenang gagawin niya sa serye.
Simon Ibarra
Ito ang unang beses na makakatrabaho ni Simon Ibarra ang lead stars ng SLAY. Para sa aktor, kakaiba at maganda ang SLAY.
Matet de Leon and Royce Cabrera
Makakasama rin sa cast ng SLAY ang seasoned actress na si Matet De Leon at Sparkle heartthrob na si Royce Cabrera.