Karel Marquez, engaged na!
Nagbabakasyon si Karel at ang nobyong si Sean Fariñas sa Atmosphere Resorts in Daui, Negros Oriental at sa kanilang sunset cruise naganap ang proposal.
Engaged na ang aktres na si Karel Marquez sa kanyang nobyong si Sean Fariñas.
Nagbabakasyon ang dalawa sa Atmosphere Resorts in Daui, Negros Oriental at niyaya ni Sean si Karel para sa isang sunset cruise. Sa bangka mismo nag-propose si Sean habang palubog ang araw.
A photo posted by Karel Marquez Santos (@iamkarelmarquez) on
Si Sean ay isang businessman na may ari ng ilang sikat na restobars sa bansa.
December 2012 nagsimula ang relasyon ng dalawa.
May dalawang anak si Karel, sina Keiley at Kyler, mula sa pagsasama nila ng kanyang dating asawang si Armand de Guzman.
MORE CELEBRITY ENGAGEMENTS:
LOOK: Vic Sotto's daughter Paulina is now engaged
WATCH: Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap's proposal video