Sofia Pablo, Allen Ansay, Radson Flores, Pepita Curtis, nakisaya sa Dinagyaw sa Tablas Festival
Dumalo at nakisaya ang mga bida ng Prinsesa ng City Jail stars na sina Sofia Pablo, Allen Ansa, at Radson Flores sa naganap na Dinagyaw sa Tablas Festival sa Candoni, Negros Occidental. Nagbigay rin ng dagdag na saya bilang host ang komedyanteng si Pepita Curtis.
Isinasagawa ang Dinagyaw sa Tablas Festival para ipagdiwang ang feast day ng Our Lady of Lourdes, ang patroness ng Candoni. Itinuturing din bilang cultural at harvest festival ang naturang kasiyahan.
Tingnan kung papaano pinakilig at pinasaya nina Sofia, Allen, Radson, at Pepita ang mga Kapuso sa Dinagyaw sa Tablas Festival sa gallery na ito:
Pepita Curtis
Never-ending na laugh trip ang hatid ni Pepita Curtis sa mga taga-Candoni dahil sa kaniyang mga hirit at hugot sa naganap na Dinagyaw sa Tablas Festival.
Song number
Nagpakita rin ng kaniyang talento si Pepita nang handugan niya ng song number ang mga Kapuso na dumalo sa naturang festival.
Radson Flores
Bukod sa kanyang charming at boy-next-door smile, naghandog din ng isang awitin si Radson Flores sa mga Kapuso na dumalo sa Dinagyaw sa Tablas Festival.
Charms at kilig
Dala ang kaniyang charms ay pinakilig ng binatang aktor ang ilan sa fans na dumalo sa festival.
Sofia Pablo
Naghandog din ng isang awitin si Prinsesa ng City Jail star Sofia Pablo sa naganap na Dinagyaw sa Tablas Festival.
Allen Ansay
Nagpakita rin ng talento si Allen Ansay nang magtanghal siya para sa mga Kapuso sa Candoni, Negros Occidental.
Favorite love team
Bilang isa sa mga pinakapaboritong love team ngayon, sinigurado ng Prinsesa ng City Jail actors na sina Sofia at Allen ang mga Kapuso sa Dinagyaw sa Tablas Festival.
source: gmaregionaltv/IG