
May ipinakilalang bagong personality ang 'Unang Hirit' host na si Lyn Ching kaninang umaga sa show. Sino nga ba si Mango Man?
May ipinakilalang bagong personality ang Unang Hirit host na si Lyn Ching kaninang umaga at siya ay sumabak sa “PinaSummer” challenge. Ika ng TV personality, “Out with the carrots, in with the mangoes. Here is Mango Man.”
Isang kaing ng mangga ang napalanunan ng Kapuso actor na si Jak Roberto nang matagumpay niyang nagawa ang sumakay sa 500 kg na wave ball sa swimming pool sa loob ng isang minuto.
Pinuri siya ni Lyn Ching sa kanyang pagkapanalo, “Congratulations! Iba talaga kung nagwo-workout noh? Imagine that, naka-hold on siya for one straight minute.”
Ano kaya ang ginawa ni Jak sa kanyang premyong mangga?