What's Hot

Janine Gutierrez at Aljur Abrenica, excited makatrabaho muli ang isa't isa sa bagong teleserye

By ANICA SAMODIO
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 4, 2020 8:40 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Miss World Philippines queens take part in medical mission
Harry Styles to release new single 'Aperture' on January 23
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro

Article Inside Page


Showbiz News



Ano ang saloobin nina Janine at Aljur sa muli nilang pagsasama sa bagong soap na 'Once Again?'


Hindi man nagkatuluyan sina Aljur Abrenica at Janine Gutierrez sa love anthology series na Dangwa, binigyan ulit ang dalawa ng pagkakataong makatrabaho ang isa’t isa sa bagong teleserye na pinamagatang Once Again.

 

@gmadrama: Get ready to fall and believe in love #OnceAgain. Watch out for Janine and Aljur's latest teleserye. Ngayong May 2 na sa GMA Telebabad.

A photo posted by gmanetwork (@gmanetwork) on


READ: #DangwaFinale nag trend sa Twitter

Sa isang panayam ng GMANetwork.com para kay Aljur, mas nakilala niya ng mabuti si Janine at mas magiging malalim ang kanilang samahan dahil sa bagong teleserye.

“It’s like working with her the first time kasi with Dangwa nagkatrabaho kami pero hindi naman kami masyado nag-uusap as in 'Hi-hello' lang lagi, pero this time mas nakilala ko siya ng malalim,” ani Aljur.

Excited naman si Janine na makatrabaho ang aktor at pati na rin sa takbo ng istorya ng Once Again.

Ani Janine, “Excited ako kasi maganda 'yung kuwento na binigay sa amin, super galing ng mga writers ng Once Again at excited ako to find out kung ano mangyayari sa kuwento.”

Binanggit din ni Aljur na excited na rin siya na makatrabaho ang mga beteranong aktor katulad nina Joko Diaz at Chanda Romero sa unang pagkakataon.

Ayon kay Aljur, “With other actors naman excited ako dahil andiyan 'yung mga veterans who [have been] in the industry for so long.”

Aminado naman si Janine na kinakabahan siya na makatrabaho ang mga beteranong aktres na sina Jean Garcia, Sheryl Cruz at Chanda Romero, subalit alam niya na matututo rin siya sa kanila.

Ani Janine, “Kinakabahan ako kasi first time ko silang makakatrabaho - sina Miss Jean Garcia, Miss Sheryl Cruz, Miss Chanda Romero and they’re really great actresses. Nape-pressure din ako dahil makakaeksena ko sila pero in a way medyo kampante din ako dahil bilang magaling na artista sila matutulungan din nila talaga ako.”

Abangan ang tambalang Janine at Aljur sa GMA Telebabad ngayong Mayo.

READ: Janine Gutierrez and Aljur Abrenica reunited for new primetime series