Rufa Mae Quinto surrenders following arrest warrant
Meanwhile, here are other celebrities and showbiz personalities whose names were used to extort money from the public.
Sanya Lopez
Kamakailan lang ay nagbigay ng babala ang Pulang Araw star na si Sanya Lopez tungkol sa isang scammer na ginamit ang kaniyang pangalan para manghingi ng "donasyon" gamit ang isang messaging app.
Scam alert
Sa Instagram stories ni Sanya, ipinakita niya ang text conversation ng scammer at ng isang netizen kung saan mababasang humihingi ito ng donasyon para matulungan umano ang mga aeta sa Zambales.
Warning
Sa isa pang Instagram story ni Sanya, nagbabala siya na hindi siya ang nag-message sa kanila. Dagdag pa niya, "Malinaw, hindi po ako 'yun. 'Wag po kayo magbigay agad-agad ng tulong."
Kyline Alcantara
Isang scammer naman ang ginamit hindi lang ang pangalan ni Shining Inheritance actress Kyline Alcantara, ngunit maging ang nagdaang bagyong Carina para manghingi umano ng donasyon sa mga nasalanta.
Fraudulent messages
Sa isang statement ng Sparkle GMA Artist Center, ibinahagi nila ang screenshot ng isang message exchange kung saan makikitang nanghihingi ang nagpapanggap na Kyline ng donasyon sa mga tao gamit ang isang messaging app.
Do not respond
Paalala ng Sparkle ay huwag sumagot sa kahit anong mensahe o magbigay ng personal na detalye kapag nakatanggap ng ganito.
Max Collins
Nagbabala rin ang dating My Guardian Alien actress na si Max Collins tungkol sa isang scammer na gumamit ng pangalan at litrato niya para makapanghingi ng donasyon.
Block the number
Payo ni Max sa kaniyang family, friends, at mga kakilala, "Please block this person, messaging my friends asking for donations. Please stop scamming people thanks, God bless.”
Ysabel Ortega
Gaya ni Max, ginamit na rin ng scammers ang pangalan ng Sparkle star na si Ysabel Ortega at ng bagyong Carina para manghingi ng donasyon.
Do not respond or engage
Sa Instagram post ni Ysabel, sinabi niyang hindi siya o ang pamilya niya ang nanghingi ng kahit ano mang funds o donasyon. Payo niya, "If you receive any messages asking for money, please do not respond or engage."
Scammer alert
Sa caption ng kaniyang post, humingi ng pasensya si Direk Mark sa mga nagambala ng "morally deprived nincompoop" na iyon. Nilinaw din niyang iisa lang ang number na gamit niya, at hindi iyon ang nasa account details ng messaging app na ginamit.