
Ang naturang international film festival ay nagsimula noong April 4 at magtatapos sa April 10.
Sunod-sunod ang achievements ni Wish I May actress Alessandra de Rossi lalo na sa larangan ng pelikula.
Kamakailan ay bumida si Alex sa pinag-uusapang indie film na Sakaling Hindi Makarating, nanalo bilang Best Actress sa 5th Singkuwentro International Film Festival at tumanggap ng isa pang nominasyon bilang Best Supporting Actress.
Ngayon naman, kinilala ang husay ng aktres sa pamamagitan ng pagkuha sa kanya bilang isa sa mga hurado sa Festival Cinema Africano, Asia e America Latino o African, Asian and Latin America Film Festival na ginaganap sa Milan, Italy.
Sa Twitter ay nag-paabot ng pagbati ang ina ni Alex na si Nenita Schiavone.
Congrats @msderossi for being one.of the.judges!!! African, Asian and Latin American Film Festival of Milan pic.twitter.com/bAxrJ5CRO5
— backstagemother (@ermatsko) April 4, 2016
"Eh di you already," ang sambit naman ng Kapuso actress sa kanyang post.
Eh di you already!!! pic.twitter.com/uK5ftcpRld
— alessandra de rossi (@msderossi) April 7, 2016
Todo suporta naman kay Alex ang kanyang ama na si Luigi at mga kapatid na sina Isabel at Margherita na kasama niya ngayon sa Italy.
Ang naturang international film festival ay nagsimula noong April 4 at magtatapos sa April 10.