MMFF 2024: A-list actors at grand floats, inabangan ng publiko sa 'Parade of Stars'
Nagsama-sama ang mga naglalakihang artista sa 'Parade of Stars' ng Metro Manila Film Festival (MMFF) kahapon, December 21. Ito ay bahagi pa rin ng selebrasyon ng ika-50 anibersaryo ng MMFF.
Ang 12-kilometer route na inihanda para sa parada ay nagsimula sa Kartilya ng Katipunan sa Manila at nagtapos sa Liwasang Bonifacio.
Inabangan ng publiko ang mga sikat na artista na lulan ng magagarbong floats na inihanda ng sampung pelikulang kalahok sa MMFF ngayong tao.
Kabilang sa mga aktor na dumalo ang Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Ruru Madrid, na bida sa official entry ng GMA Pictures na 'Green Bones.'
Spotted din sa float ng kani-kanilang mga pelikula sina Vilma Santos, Judy Ann Santos, Vice Ganda, Aicelle Santos, Julia Barretto, Julia Montes, Arjo Atayde, Enrique Gil, Alexa Miro, at ang love team na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.
Tingnan ang iba pang mga artistang dumalo at ang mga float na tampok sa MMFF 2024 'Parade of Stars' dito:
Green Bones
Sa pangunguna nina Dennis Trillo at Ruru Madrid, kasama ang direktor nilang si Zig Dulay, humarap ang cast ng 'Green Bones' sa media.
Green Bones float
All-green ang float ng 'Green Bones' na may kadena at tore sa harap, na base sa istorya ng pelikulang handog ng GMA Pictures, GMA Public Affairs, at Brightburn Entertainment ngayong Pasko.
And the Breadwinner Is
Kasama ni Kapuso actor Kokoy de Santos (second from left) ang kanyang co-actors at direktor na si Jun Lana na humarap sa media bago ang 'Parade of Stars.'
And the Breadwinner Is float
Bagamat hindi nakadalo sa media presentation, hindi naman nabigo ang publiko na makita ang bida ng And the Breadwinner Is na si Vice Ganda sa mismong 'Parade of Stars.'
Espantaho
Bukod sa And the Breadwinner Is, sumama rin si Eugene Domingo sa group presentation ng 'Espantaho' cast. Kasama niya rito ang mga bidang si Judy Ann Santos at Lorna Tolentino at direktor nilang si Chito Rono.
Espantaho float
Bukod sa espantaho (scarecrow), punung-puno ng mga antique float ng suspense-horror movie na 'Espantaho.'
Isang himala
All-smiles ang cast ng musical movie na 'Isang Himala,' sa pangunguna ng bida nitong si Aicelle Santos.
Isang Himala float
Kitang-kita sa float ng 'Isang Himala' ang katagang 'Elsa Love You,' na ilang beses mababanggit sa pelikula.
Hold Me Close
Pinangunahan nina Julia Barretto at Carlo Aquino ang pagharap ng 'Hold Me Close' cast sa media.
Hold Me Close float
Tampok sa float ng 'Hold Me Close' at Torii o traditional Japanese gate. Ang pelikula ito ng Viva Films ay kuha mula sa Japan.
My Future You
Present sa media presentation ng 'My Future You' ang love team na sina Francine Diaz at Seth Fedelin.
My Future You
Simple ngunit kumikinang ang inihandang float ng 'My Future You' ng Regal Entertainment.
Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital
Pinangunahan ng aktor at isa sa mga producer na si Enrique Gil ang grupo ng 'Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital' sa media presentation.
Strange Frequencies
Kapansin-pansin na may tema ng suspense-thriller ang float ng 'Strange Frequencies: Taiwan Killer Hospital.'
The Kingdom
Present ang mga aktor na sina Vic Sotto, Sue Ramirez, at Sid Lucero sa media presentation ng 'The Kingdom.'
Topakk
Mula sa 'And the Breadwinner Is,' sumali rin ang Kapuso actor na si Kokoy de Santos sa group photo ng 'Topakk' cast.