
Ani ng aktor, masarap gawin ang kanyang character dahil nakakapag-ad lib siya dito.
Hindi man daw ito ang kanyang dream role, isa sa mga pinaka-inabangan ni Kristoffer Martin ang character niya ngayon bilang Onat sa primetime series na Because of You.
READ: Kristoffer Martin joins 'Because of You' as Onat
"Mostly kasi sarili ko nilalabas ko dito eh, kay Onat. Talagang si Kristoffer halos ang nakikita ng mga tao. Sinasabi nga ng ibang fans, 'Hindi naman si Onat 'yan. Ikaw 'yan eh,'" kuwento ng young actor during a set visit.
Aniya, masarap gawin ang kanyang character dahil nakakapag-ad lib siya dito.
"Masaya, kasi iba ang character ko dito eh, may pagka-comedy. So napapasok ko 'yung sarili ko (laughs), 'yung pagka-jolly ko. Kumbaga minsan kasi may mga scenes kami na sabihin ni Direk, "Sige ikaw na bahala sa huli."
Marami rin ang natuwa sa pagbabalik tambalan nila ng ex-girlfriend na si Joyce Ching. Mas lumawak pa nga raw ang kanilang market dahil hindi lang teens ang nanonood sa kanila.
READ: Joyce Ching, bumait sa 'Because of You' dahil kay Kristoffer Martin?
"After Healing Hearts, ito ulit, nag-love team ulit kami dito. Kumbaga maganda dahil iba rin ang pagtanggap ng tao eh. Ngayon nagkakaroon na rin kami ng market sa mga mommies, mga lola. 'Yung market namin mas nagiging broad."
Dagdag pa niya, "Nakakatuwa lang kasi 'yung pagtanggap ulit ng KrisJoy fans is sobrang solid eh. 'Yung pagpasok ko pa lang, iba na 'yung tanggap nila. Dati 'yung Twitter ko bakante, patay na patay (laughs). Ngayon sumasabog ulit ang notifications every time may Because of You."