What's Hot

Raymart Santiago, saludo kay Bea Binene

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 6:51 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE: Cong. Toby Tiangco, Prosecutor General Fadullon, and DPWH Usec. Ricardo Bernabe III forum on flood control anomalies updates (Jan. 22, 2026) | GMA Integrated News
Mga gamot sa ubo, sipon at vitamins, hatid ng GMAKF sa mga apektado ng Mayon | 24 Oras
11 hurt in van crash in Don Salvador Benedicto, NegOcc

Article Inside Page


Showbiz News



Dati nang nagkatrabaho si Raymart at si Bea sa TV drama na Luna Blanca noong 2012. Muli silang magkasama ang dalawa sa Hanggang Makita Kang Muli.


 

Panay ang papuri ni Raymart Santiago sa kanyang Hanggang Makita Kang Muli co-star na si Bea Binene.

Ayon sa aktor, naiintindihan daw niya ang bigat ng role para kay Bea.

WATCH: Hanggang Makita Kang Muli: The feral child

"Kakaiba ito. Noong nabasa ko 'yung script nito, talagang hindi na ko nagdawalang isip na tanggapin. Medyo madugo itong role ni Bea na gagawin niya. Acting piece para sa kanya," paliwanag ni Raymart sa isang eksklusibong panayam ng GMANetwork.com.

Minsang nang nagkatrabaho sina Raymart at Bea sa seryeng Luna Blanca noon 2012.

"Sabi nga niya (Bea), 'yung lahat ng show na magkasama kami, maitim siya. Ngayon, aso naman siya. Sabi ko, okay lang yan!" kuwento pa nito.

Ayon kay Raymart, may mga ipinagbago na din si Bea simula noong una silang magkatrabaho.

"Nag-mature siya, definetely. Mas gumaling siyang artista. With this role na tinanggap niya, noong binabasa ko pa lang itong script, medyo mabigat para sa kanya 'yung role. Hopefully maitawid niya," aniya.

"Magaling naman siya, kailangan lang talaga niyang aralin. Siyempre sa tulong din ni direk Laurice (Guillen), mababantayan siya," dagdag pa nito.

READ: Hamon para kay Laurice Guillen ang pambihirang kuwento ng 'Hanggang Makita Kang Muli'

Panatag naman daw ang loob ni Raymart sa iba niyang mga co-stars.

"Kasama ko dito si Angelika (dela Cruz) and si Ina (Feleo) na nakatrabaho ko din dati sa Pilyang Kerubin. Matagal tagal na rin 'yun kaya medyo gamay na kami sa isa't isa. Medyo relaxed na kami," ayon kay Raymart.

Panoorin si Raymart bilang si Larry sa Hanggang Makita Kang Muli, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Wish I May sa GMA Afternoon Prime.

MORE ON RAYMART SANTIAGO:

LOOK: Raymart Santiago skydives in Vigan

Celebrity fathers who avoided dad bods