Gladys Reyes's rating on 'Little Nanay' as MTRCB Board Member: 'Very wholesome, family-oriented'
"Personally, kahit na hindi ako kasama sa Little Nanay, I find it very wholesome, tapos family-oriented, values-oriented." - Gladys Reyes
By AL KENDRICK NOGUERA
PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com
Limang taon nang Board Member ng Movie And Television Review And Classification Board (MTRCB) ang Kapuso actress na si Gladys Reyes.
"Hindi namin puwedeng i-rate 'yung aming sariling show," paglilinaw ni Gladys nang tanungin siya tungkol sa rating ng Little Nanay kung saan siya kasama bilang cast.
Pero ayon kay Gladys, kahit daw hindi siya kasama sa grupo ay positive naman daw ang rating niya sa Telebabad show. Aniya, "Personally, kahit na hindi ako kasama sa Little Nanay, I find it very wholesome, tapos family-oriented, values-oriented 'yung show."
Kuwento pa niya, masaya raw siya na maging parte ng MTRCB dahil dito niya raw naibabahagi ang kanyang experience bilang isang artista at isang ina.
"Lalo na magulang ako, this is my chance na rin para ibahagi 'yung participation ko sa industriya. Siyempre kapag magulang ka, concern ka roon sa mapapanood ng anak mo. Pero ito hindi lang sa mga anak ko puwedeng i-apply," saad ni Gladys.
MORE ON GLADYS REYES:
READ: Gladys Reyes's emotional farewell message for Direk Wenn Deramas
LOOK: Gladys Reyes posts 27-year-old photo with Eddie Garcia