
Ayon kay Camille, mananatiling parte ng kanilang buhay ang kanyang yumaong asawa na si Anthony Linsangan.
By MARAH RUIZ
Very open si Camille Prats tungkol sa estado ng kanyang love life kaya walang pag-aatubili niyang ibinahagi ang mga detalye ng kanyang engagement sa nobyong si VJ Yambao.
Pero ayon kay sa aktres, nakatakda man siyang ikasal sa susunod na taon, nananatiling mahalaga sa kanya ang yumaong asawang si Anthony Linsangan.
"When we (VJ and I) were going out, I remember na nagpunta kami sa puntod niya (Anthony). Siguro for me, it's also a feeling or the idea na gusto ko lang ng may ganun," kuwento ni Camille sa piling miyembro ng media, kasama na ang GMANetwork.com.
"Kasi siyempre, lagi naman na nandiyan talaga siya. He will always be a part of our life, dahil kay Nathan. He will always be remembered and never be disregarded kahit ano na 'yung buhay namin," dagdag pa nito.
Nagdadalawang-isip naman daw si Camille kung kailan sila magkakaroon ng sariling supling ni VJ.
"Hindi pa ma-decide [kung kelan]. Gusto ko sana. Gusto ko na talaga kasi magti-thirty-two na ko by next year. I'm turning 31 this year. Siyempre medyo naghahabol din ng panahon," paliwanag ni Camille.
Sa kabilang dako naman, nais din niyang ma-experience ang unang ilang sandali ng kanilang pagsasama na silang dalawa lang ni VJ.
READ: Camille Prats, nagbigay ng ilang detalye tungkol sa kanyang kasal
"Gusto ko din at some point na ma-enjoy naman ng konti 'yung kami lang. Kumbaga 'yung demand ng pagkakaroon ng anak, iba. 'Yung lahat ng focus mo nasa anak," kuwento ni Camille.
"I want to enjoy muna siguro 'yung kami lang muna or 'yung with Nathan. Then 'pag medyo nasanay na kami 'yun na lang or kung kailan na lang kami bigyan ni Lord," pagpapatuloy nito.