
Abangan ang gagawin ng TomDen na hindi pa nila nagagawa sa buong career nila!
By FELIX ILAYA
Dalawang tulog na lang at ipapalabas na ang pilot episode ng nag-iisang musical-reality show sa bansa, ang Lip Sync Battle Philippines! Habang naghahanda ang dalawang unang kalahok ng show na sina Tom Rodriguez at Dennis Trillo, nakapanayam sa isang press conference ang hosts ng Lip Sync Battle Philippines na sina Michael V at Iya Villania upang malaman ang mga pasabog na dapat abangan sa darating na Sabado (February 27).
Ayon kay Bitoy, masaya siya na ang pinakainaabangang balik tambalan nina Tom at Dennis o TomDen ay mangyayari sa kanilang show.
"'Yung pagbabalikan nila [TomDen], maganda na dito nangyari sa Lip Sync Battle Philippines at [mukhang] kina-career talaga ng dalawa ah."
Dagdag pa ni Bitoy, mayroon ding gagawin ang TomDen na hindi pa nila nagagawa sa buong career nila. Ano kaya ito? Abangan!