OFW sa Dubai, nagtagumpay matapos maging tagalinis ng banyo
Sa Kapuso Mo, Jessica Soho, tampok ang OFW na si Helen, tinaguriang “Kuskos Kubeta Queen," na napagtapos niya ang kanyang mga anak dahil sa paglilinis ng banyo?
link -
Ilang taon nagtiis sa pagkuskos ng kubeta sa Dubai si Helen, matutustusan lang ang pag-aaral ng kanyang mga anak.
Mahigit isang dekada ng domestic helper sa Dubai si Helen, na may mga among taga-India.
Pangarap ni Helen na maging isang teacher ngunit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Naging isang daycare center teacher siya kanilang barangay sa Cagayan. Ngunit dahil sa liit ng kinikita niya, iniwan ni Helen ang asawa niyang magsasaka at tatlong anak para mamasukan bilang domestic helper sa Hong Kong.
Makalipas ng isang taon, umuwi siya ng Pilipinas nang magkasakit ang isa niyang anak ng epilepsy.
Ngunit kailangan niya pa rin mag-OFW, kaya sa Dubai naman siya ulit namasukan bilang domestic helper.
Kapalit ng tagumpay ay ang hindi niya nasilayan ang paglaki ng kanyang mga anak. Tumawag dati 'yung isang anak ko, sabi, 'Ma, grade one na ako next year, hindi ka pa rin umuuwi.'
"Hindi ko alam ano isasagot ko, ang hirap, lalo na kapag may contest na nanalo sila at nandoon ka dapat."
Kada-dalawang taon lang daw kasi kung umuwi si Helen sa Pilipinas.
Nagkaroon man ng pagtatampo ang kanyang mga anak, nagsumikap pa rin sila na magtapos sa pag aaral.
Ngayon, ang kanyang mga anak, abogado, guro at engineer na.
Si Helen, nakapagpundar na rin ng kanyang dream house sa Pilipinas at mayroon nang sariling farm.
Sama-sama tayong ma-inspire sa kanyang kuwento! Panoorin ang video na ito:
Samantala, tingnan ang trabaho ng ilang celebrities bago sila sumikat dito:
Diego Llorico
He is one of the most recognizable faces of 'Bubble Gang,' but did you know that 'Atlit' star Diego Llorico once worked as a production assistant of the gag show?
Coco Martin
Coco Martin
Jericho Rosales
Bago ma-discover si Jericho Rosales sa Mr. Pogi ng 'Eat Bulaga,' nagtrabaho muna si Echo bilang service crew ng isang pizza chain at personal driver. Bukod dito, nasubukan din ni Echo na magtinda ng ice buko at isda sa palengke. Nangangalakal din si Echo at minsan ay naging barker ng jeep.
Jericho Rosales
Marvin Agustin
Marvin Agustin
Diether Ocampo
Diether Ocampo
Nora Aunor
Jak Roberto
Ibinahagi ni Jak Roberto sa programang 'Tunay Na Buhay' na nagpipinta siya noon ng mga lapida sa sementeryo para kumita ng pera.
Marc Pingris
Dating nagbebenta ng ice buko ang basketbolistang si Marc kapag weekend para magkaroon ng extra income.
Marc Pingris
Nagtrabaho rin daw siya sa isang palengke kung saan 20 pesos ang sweldo niya sa isang araw.
Petra Mahalimuyak
Ashley Rivera, also known as Petra Mahalimuyak, rose to popularity via her hit YouTube videos. But before being a YouTube star, Ashley worked at a cellphone store in Las Vegas, Nevada.
Kim Domingo
Kim Domingo hit a gold mine when her dubsmash video of “Twerk It Like Miley,” garnered almost five million views. But before tasting stardom, Kim worked as a promo girl for liquor products.
Janitor
Donita revealed in an interview with 'Tunay na Buhay' that she worked as a janitor and a dish washer. She got her big break in 'Wowowin.'
Divine Tetay
Comedian Divine Tetay had a regular job before being known as one of the most effective impersonators of the Queen of All Media Kris Aquino.
Matthias Rhoads
Nakilala ang hunky model na si Matthias Rhoads sa isang viral na Valentine's Day ad ng isang fast food chain taong 2017. Bumida din siya sa mga Kapuso series na 'Super Ma'am' at 'Asawa Mo, Karibal Ko.'
New York
Bago pasukin ang mundo ng showbiz, may corporate job si Matthias Rhoads noon sa New York City.
Princess Velasco
May corporate job dati ang GMA Music beauty na si Princess Velasco bago siya nakilala bilang OPM Acoustic Princess.
Former job
Alam n'yo ba na dating Kapuso si Princess? Naging marketing officer siya ng GMA New Media, isa sa mga subsidiary ng TV network. Kinalaunan naging assistant manager din siya sa Corporate Planning Department ng GMA-7.
Jose Manalo
Bago maging host ng 'Eat Bulaga,' naging production assistant at floor director muna ang komedyanteng si Jose Manalo ng programa.
Jenzel Angeles
Sumikat bilang antagonist sa seryeng 'Onanay' ang Kapuso actress na si Jenzel Angeles. Kasama rin si Jenzel sa Pinoy adaptation ng 'Descendants of the Sun.'
Entertainment Group
Pero bago sumabak sa pag-aartista si Jenzel, naging assistant muna siya ng GMA Senior Vice President for Entertainment Group na si Lilybeth G. Rasonable.
Troy Montero
Sa kanyang 'Tunay na Buhay' interview noong 2018, sinabi ni Troy Montero na naranasan niya noong magnig construction worker sa Amerika. Sabi ni Troy, “My dad builds houses. He sells houses. What basically I do is construction.”
Jelai Andres
Bago naging internet sensation si Jelai Andres, nagtrabaho siya noon sa Qatar bilang isang receptionist sa isang real estate company. Kinalaunan ay naging secretary siya at admin officer.
Mav Gonzales
Bago maging reporter, news anchor at host ng 'On Record' si Mav Gonzales, nagtrabaho muna siya bilang writer at courtside repoter. Alamin ang ilan pang nakakabilib at nakakamanghang facts tungkol kay Mav dito.
Doc Ferds Recio
Nakilala natin siya bilang ang jowable vet at host ng 'Born to Be Wild.' Ngunit sa isa niyang IG post kung saan ipinakita niya ang dati niyang name plate, ikinuwento ni Doc Ferds Recio na noong nasa vet school pa siya ay nagtrabaho siya bilang PR Officer sa Enchanted Kingdom tuwing weekends. Dagdag pa niya sa caption, “I kept it all these years as a reminder that if you work hard, persevere and be determined enough to learn and to achieve your goals, no one should stop you.”
Kara David
Proud na ikinuwento ni Kara David na nagsimula siya bilang PA-researcher sa GMA. Ngayon, isa na siyang hinahangaan at award-winning na documentarist at TV host sa Pilpinas.
HR Associate
Here's a throwback photo of Carla Abellana when she was at her second job as an HR Associate for Rockwell Land Corporation.
Dasuri Choi
Before joining Eat Bulaga's You're My Foreignay in 2014 and becoming the resident social dis-dancer in the longest-running noontime variety show, Dasuri Choi worked with K-Pop idols in Korea.
Choreographer and back-up dancer
Dasuri Choi was a choreographer and back-up dancer for K-Pop artists such as the Wonder Girls and Yama and Hotchicks.
Reese Tuazon
Before entering showbiz, the new mom and Descendants of the Sun actress Reese Tuazon had a job related to her character, Dr. Sandra Delgado, in the Kapuso series.
Nurse
Before becoming the celebrity mom and entrepreneur that she is today, Reese Tuazon worked as a registered nurse.
Ronnie Liang
Did you know that OPM singer Ronnie Liang was a working student? In an Instagram post, he reminisced about his life working in the fast-food industry in the morning and studying at night. Ronnie shared, “I have learned that it doesn't matter what kind of job/work you do as long as you do it with respect and dignity. Additionally, people you serve will also be exceptionally happy when you perform your duties faithfully and wholeheartedly.”
Joyce Pring-Trivino
Ang unang trabaho ni Joyce Pring ay bilang isang copywriter para sa isang furniture company. Nagtrabaho siya sa nasabing off-shore furniture company habang nag-aaral pa sa kolehiyo.
Dennis Trillo
Bago sumabak sa showbiz ay naging drummer muna ng bandang Moyg sa Baguio City si Dennis Trillo.
Zeinab Harake
Bago naging sikat na vlogger ay nagtrabaho si Zeinab Harake bilang performer or model na nakabihis bilang Disney princess sa mga mall. Tingnan ang kanyang Disney-inspired maternity shoot.
John Feir
Alam n'yo ba na bago naging favorite ni Patrick ang hotdog, dati siya nagtrabaho muna sa isang fast-food chain na ang specialty ay chicken? Ibinahagi ng Kapuso comedian na si John Feir sa isang Instagram post na nagsilbi siyang staff noon sa McDonalds noong '90s.
Michael V.
Bago nakilala bilang comedian, singer, composer, creative director, book author at film director ang nag-iisang Michael V. ay dati siyang nagde-design ng Christmas o Halloween decors. Kuwento ni Direk Bitoy sa kanyang 'Bitoy Story' vlog, “Dati akong nagtrabaho sa Teaño International Export as a product designer. Teaño is an exporting company sa Navotas na nagma-manufacture ng seasonal decorative items.
“Kilalang-kilala 'yan doon nung '80s hanggang '90s. At ang trabaho ko dun, e, mag-drawing, mag-sculpt at mag-paint ng mga prototypes ng mga figures na pang-display during Christmas, Halloween, at saka Easter.
Gloc-9
Ang rapper na si Gloc-9 ay nagtrabaho noon bilang service crew sa Bun on the Run, Little Ceasars, Tokyo Tokyo at French Baker.
Arnold Clavio
Nagtrabaho noon ang TV host at anchor na si Arnold Clavio sa KFC Roxas Boulevard branch noong 1986 bilang busboy/waiter, cook at dishwasher. Proud siyang napagtapos niya ang sarili bilang isang working student matapos na mawalan ng trabaho ang kanyang ama noon.
Ely Buendia
Bago sumikat bilang frontman ng Eraserheads at magaling na songwriter ay nagtrabaho muna si Ely para sa isang record label.
Copywriter
Namasukan si Ely bilang copywriter sa BMG Records.
Incidentally, ang BMG din ang nagbigay ng break sa Eraserheads matapos nitong papirmahin ang banda na siyang naging daan para mailabas ng grupo ang kanilang groundbreaking debut album, Ultraelectromagneticpop!, noong 1993.
Ang BMG Records ang naging tahanan ng Eraserheads hanggang sa mabuwag ang grupo noong March 2002.
John Lapus
Kilala si John Lapus bilang aktor, direktor, at komedyante na nakagawa na ng maraming pelikula at naging host na rin ng mga showbiz-oriented talk show.
Production staff
Bago naging artista at direktor, nagsimula bilang researcher si John "Sweet" Lapus hanggang sa na-promote siya bilang head researcher. Bukod dito, nasubukan din niya maging segment producer, talent coordinator, pictorial director, promo specialist, at creative associate producer.
Tuesday Vargas
Nakilala si Tuesday Vargas sa kanyang galing sa pagkanta at pagiging komedyante. Bukod dito, lumabas na rin siya sa iba't ibang pelikula at telebisyon bilang aktres.
Working student
Bago pa man makapagtapos sa Univeristy of the Philippines, nasubukan na ni Tuesday na maging floor director, writer, at production assistant bilang isang working student. Bukod sa pagiging artista, isa ring wedding planner si Tuesday.
Christian Bables
Right decision para sa TV-movie actor na si Christian Bables na iwan ang dati niyang trabaho sa corporate world para pagtuunan ng pansin ang kanyang showbiz career.
Telco job
Sa panayam ng PEP.Ph sa 2021 Metro Manila Film Festival Best Actor, nagtatrabaho pa sa isang telco company si Christian noong 2015 pero nagdesisyon siyang mag-resign para mapabilang sa isang teleserye. Bukod sa pelikula niyang 'Big Night,' na isa sa 2021 MMFF entries, nakilala rin si Christian sa role niya sa award-winning movie ni Paolo Ballesteros na 'Die Beautiful' (2016).
Delivery boy
Sa isang Instagram post, kinuwento ni Neil na noong siya'y 10 years old ay naging delivery boy siya at ginagawa niya ito tuwing summer upang makapag-ipon ng perang pambaon sa scho
Neil Ryan Sese
Magdadalawang dekada na sa showbiz ang Kapuso actor na si Neil Ryan Sese ngunit alam n'yo ba na minsan ay naging delivery boy siya ng mga softdrinks para makaipon?
Toni Fowler
Before becoming a content creator, Toni Fowler told in her exclusive interview with Karen Davila that she worked as a crew in fast-food chain Jollibee.
Toni as content creator
Toni also said in Karen's interview that social media played a huge part in her life. She stated, “Kaya talagang life changer 'yan. Kaya pinatatoo ko 'yang si YouTube, mga social media accounts. Because, life-changing kasi 'yung social media, e, 'di ba? Sobra siya, malaking bagay siya sa akin, sa buhay ng anak ko ng pamilya ko.” Toni's YouTube channel has more than seven million subscribers at this writing.
Kaloy Tingcungc
Bago naging host ng 'Unang Hirit' si Kaloy Tingcungco, dati palang nagta-trabaho bilang cabin crew ang binansagan Morning Oppa.
Sa isang panayam sa kaniya ng 'Saksi' anchor na si Pia Arcangel, naikuwento ni Kaloy na dalawang taon siya naging flight attendant.
Bianca Gonzalez-Intal
Bago naging on-cam talent si Bianca Gonzalez, nagawa pala nitong magtrabaho rin off-cam. Sa social media post ng TV host noong August 30, 2024, ikinuwento nito na noong nasa third year college siya taong 2003, nag-decide siyang kumuha ng part time job bilang brainstormer at trainee writer sa ABS-CBN.