Kapuso singers na kilala rin bilang actors
Bukod sa kahanga-hangang performances, ilang singers ngayon ang kilala na rin bilang mahuhusay na mga aktor.
Kabilang sa mga ito sina Julie Anne San Jose, Rita Daniela, at Brent Valdez.
Sino-sino pa kaya ang gaya nilang singers na, actors pa.
Kilalanin ang iba pang tulad nila sa gallery na ito.
Julie Anne San Jose
Isa ang Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa celebrities na may kakaibang husay sa pag-awit at pag-arte.
Maria Clara at Ibarra
Noong 2022 hanggang 2023, napanood si Julie Anne San Jose sa hit at award-winning historical drama series na 'Maria Clara at Ibarra.' Bukod dito, napanood na rin siya sa iba pang serye sa GMA-7.
Rita Daniela
Unang nakilala si Rita Daniela sa isang singing reality show contest sa telebisyon kung saan itinanghal siyang champion. Kasunod nito, nakilala na rin siya sa larangan ng acting.
Comeback
Ngayong 2024, balik pag-arte na ang singer-actress na si Rita Daniela matapos niyang magpahinga ng dalawang taon upang makapag focus muna sa kanyang baby boy na si Uno.
Kasalukuyan siyang napapanood sa murder mystery drama na 'Widows' War.'
Brent Valdez
Si Brent Valdez ang isa sa promising Kapuso stars na kilala bilang mahusay na singer at isa ring aktor.
Murder mystery drama
Usap-usapan ngayon online ang karakter ni Brent Valdez sa murder mystery drama series na 'Widows' War.' Maraming viewers ang humahanga sa acting skills ni Brent.
Zephanie
Ang Sparkle artist na si Zephanie ang kumanta ng theme songs ng ilang GMA Teleseryes. Bukod sa pag-awit, kilala na rin siya ngayon bilang isang aktres.
MAKA
Ngayong 2024, mapapanood si Zephanie sa GMA youth-oriented series na 'MAKA.'