What's Hot

'Magpakailanman' presents "Multo ni Ella"

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated July 21, 2020 7:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News



Ngayong Sabado, tunghayan natin ang kuwento ni Elmer- isang batang naligaw ang landas at nakagawa ng isang karumal-dumal na krimen sa 'Magpakailanman.'


Sa ating panahon, malimit nating nababalitaan ang mga kabataang nalululong sa droga at karaniwan ay nauuwi sa panggagahasa at pagpatay. Ngayong Sabado, tunghayan natin ang kuwento ni Elmer- isang batang naligaw ang landas at nakagawa ng isang karumal-dumal na krimen!

Nagsimulang mabait at ulirang anak si Elmer. Tagapag-alaga sa mga nakababatang kapatid tuwing wala ang kanyang mga magulang. Subalit ang dating masunurin at magalang na anak ay nagbago. Hinalay at ginahasa ni Elmer si Ella na kalaro ng kanyang kapatid na si Kakai at napatay. Matapos mailibing, inakalang tapos na ang lahat ngunit nagsimulang magparamdam ang kaluluwa ni Ella. Hanggang sa tuluyan na ngang nagpakita ang multo ni Ella!

Paano aaminin ni Elmer ang krimeng kanyang ginawa? Paano matatahimik ang multo ng isang batang ginahasa at pinatay? Paano makakamit ni Ella ang katarungan sa panggagahasa at pagpatay sa kanya?

Ngayong Sabado, February 6, ating abangan sa Magpakailanman ang episode na pinamagatang, "Multo ni Ella."

Itinatampok sina JERIC GONZALES as Elmer, YAYO AGUILA as Nita, MYMY DAVAO as Nanay ni Ella, KYLE OCAMPO as Ella, AR ANGEL AVILES as Kakai, JOHNNY REGAÑA as Ian, ANDREW SCHIMMER as Julius, VINCE GEMAD as Nico, CHOLO DELA CRUZ as Gio, BRYAN OLANO as Omar at JAMES ROBERTS as Jonjon.

Sa ilalim ng direksyon ni Michael De Mesa, mula sa panulat ni Mickiko Yamamoto at pananaliksik ni Stanley Pabilona.

Sa programang nagpapakita ng tunay na kuwento ng mga totoong tao, Magpakailanman, pagkatapos ng Pepito Manaloto.