SB19's Stell, Nour Hooshmand's behind-the-scenes photos from ''Di Ko Masabi' MV shoot
Isa ka rin ba sa kinilig at naantig sa naging performance nina SB19 member Stell at Filipina actress Nour Hooshmand sa "'Di Ko Masabi" music video?
Ang "'Di Ko Masabi" ay parte ng solo debut EP ni Stell, ang Room, na inilabas noong August 2. Ang ballad song na ito ay likha ng National Artist of the Philippines for Music na si Ryan Cayabyab.
Noong August 17, inilabas ni Stell ang music video para sa "'Di Ko Masabi," kung saan nakasama niya si Nour Hooshmand, na gumanap niyang kaibigan at lihim na minamahal.
Tingnan ang ilang behind-the-scenes photos nina Stell at Nour mula sa music video shoot ng "'Di Ko Masabi" sa gallery na ito:
"'Di Ko Masabi" music video
Nakasama ng SB19 member na si Stell sa music video ng kanyang single na "'Di Ko Masabi" ang Filipina actress na si Nour Hooshmand.
SB19's Stell and Nour Hooshmand
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagtambal sina Stell at Nour Hooshmand sa isang music video.
SB19's Stell
Ilan sa behind-the-scenes photos ni Stell mula sa music video shoot ng "'Di Ko Masabi," na kuha ni Nour Hooshmand.
Stell Kulit
Ilan sa behind-the-scenes kulitan nina Stell at Nour Hooshmand sa music video shoot ng "'Di Ko Masabi."
"'Di Ko Masabi" team
Nagpasalamat si Nour Hooshmand kay Stell at sa team na bumubuo sa "'Di Ko Masabi" music video.
Music video
Sa "'Di Ko Masabi" music video, gumanap si Nour Hooshmand bilang kaibigan at lihim na minamahal ng karakter ni Stell.