What's on TV

Eugene Domingo, may bagong handog sa 'Dear Uge'

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 19, 2020 10:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Simula na ng kuwentuwaan ngayong buwan ng mga puso!

By CHERRY SUN

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com

Simula na ng kuwentuwaan ngayong buwan ng mga puso!

Makikilala na ng mga Kapuso si Urbana Genoveva Esperanza, ang bagong karakter na gagampanan ni Eugene Domingo sa Dear Uge.

Ang Dear Uge ay ang unang comedy anthology na magsisimula nang umere sa February 14. Tungkol daw ito sa pag-ibig ngunit kwela kaya sakto sa darating na araw ng mga puso.

“Si Dear Uge kasi ay blogger, so tumatanggap siya ng mga love stories, ng mga humihingi ng advice. And at the same time, pinapakita namin ‘yung kwento tapos meron din akong cameo role every week,” bahagi ni Eugene.

Panigurado pa ng batikang comedienne-host, “We will make sure na lahat ng mga episodes namin, we will feature very interesting actors na kung hindi man sila komedyante, first time niyong mapapanood na magko-comedy. Plus, magbibigay din ako ng advice pero 'wag niyo masyado seryosohin. Basta masaya lang.”

Sa dami ng mga tauhang ginampanan na ni Eugene ay bago raw ang kanyang ipapakita sa Dear Uge.

LOOK: Ang mga Kapuso characters na binigyang-buhay ni Eugene Domingo 

Aniya, “This time parang mas malapit ang connection ko sa mga tao. Parang mas maririnig nila ‘yung ako mismo, kung ano ‘yung iniisip ko tungkol sa iba’t ibang values ng buhay lalo na sa pag-ibig. Hindi ko pa ‘yun nagagawa.”

"‘Yung paborito nila na ginagawa ko, ‘yung lalabas ako na iba-iba ‘yung roles ganun, they will see it again,” dugtong din niya.