The cast of Gen Z series 'MAKA' during their pictorial
Puspusan na sa paghahanda ang cast at crew ng upcoming Gen Z series na MAKA, na mapapanood na sa September sa GMA.
Ang MAKA ang pinakabagong youth-oriented drama series ng GMA Public Affairs na pagbibidahan ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, "Bangus Girl" May Ann Basa, at Chanty Videla.
Makakasama rin sa teen show ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Noong Martes (August 13), sumalang na sa pictorial ang cast ng MAKA. Tingnan ang ilang behind-the-scenes photos ng cast sa gallery na ito:
MAKA
Talaga namang exciting at inspiring ang bagong youth-oriented drama series na handog ng GMA Public Affairs, ang MAKA, na mapapanood na ngayong September.
Ang MAKA ay abbreviation para sa fictional school ng serye na Douglas Mac Arthur High School for the Arts.
Pictorial
Isang linggo matapos na magkasama-sama sa kanilang story conference, sumalang naman sa pictorial ang cast ng MAKA noong Martes (August 13).
Cast
Pagbibidahan ang MAKA ng Sparkle stars na sina Zephanie, Marco Masa, Ashley Sarmiento, Dylan Menor, John Clifford, Olive May, Sean Lucas, "Bangus Girl" May Ann Basa, at Chanty Videla, kasama ang seasoned actor na si Romnick Sarmenta.
Romnick Sarmenta
Sa MAKA, makikilala si Romnick Sarmenta bilang Sir V., isang artist na naging Art teacher sa public school na Douglas Mac Arthur High School for the Arts.
Zephanie
Isa sa mga magiging estudyante ni Sir V sa MAKA ay ang best singer sa Arts & Performance (A&P) section na si Zeph (Zephanie).
Marco Masa
Papasok din sa Arts & Performance (A&P) section si Marco, isang choir member na may passion sa musika.
Ashley Sarmiento
Kilala sa kanyang TikTok dance videos, papasok din sa MAKA si Ash (Ashley Sarmiento) na magkakaroon ng unrequited crush kay Marco.
Dylan Menor
Kilalang crush ng bayan pero notorious bully naman sa kanilang school. Ano kayang talento ang matutuklasan ni Dylan sa pagpasok niya sa arts section?
John Clifford
Makikilala si John Clifford bilang JC, isang male makeup artist kung saan nagmamay-ari ang kanilang pamilya ng isang funeral home.
Olive May
Kabilang din sa Arts & Performance (A&P) section si Livvy na nahihilig sa pagsusulat ng kanta at sa drama.
May Ann Basa
Malayo sa kanyang personality ang magiging role sa MAKA ni Mary Ann Basa o mas kilala bilang "Bangus Girl."
Chanty Videla
"Nagulat" si Chanty nang malaman niyang makakasama siya sa cast ng MAKA. Makikita kaya natin siyang sumayaw at kumanta sa upcoming teen show?