'Prinsesa ng City Jail' stars Sofia Pablo at Allen Ansay, nagpakilig sa Kapuso Mall Show sa Zamboanga
Nagpakilig at nagpasaya ang Prinsesa ng City Jail cast, sa pangungun anina Sofia Pablo at Allen Ansay, sa naganap na Kapuso Mall Show sa Zamboanga.
Kasama nina Sofia at Allen, o mas kilala bilang Team Jolly, ang kanilang co-stars na sina Will Ashley at Beauty Gonzalez.
Tingnan kung papaano pinakilig at pinasaya nina Sofia, Allen, Will, at Beauty ang mga Kapusong Zamboangueño sa gallery na ito:
Beauty Gonzalez
Naghandog ng isang awitin si Beauty Gonzalez para sa mga Kapusong Zamboangueño na dumalo sa mall show.
Full of love
Kitang-kita na puno ng pagmamahal ang kaniyang fans na dumalo sa naganap na Kapuso Mall Show.
Gorgeous and stunning
Kagaya ng kaniyang pangalan, kitang-kita rin ang gorgeous and stunning beauty ng aktres habang nagpe-perform o kaya ay nagpapa-picture kasama ang fans.
Will Ashley
Naghandog ng isang magandang awitin ang Kapuso star na si Will Ashley para sa mga manonood.
Picture perfect
Hindi rin nag-atubiling magpa-picture si Will sa kaniyang fans na nag-enjoysa kanilang experience na mapanood ang aktor.
Great memories
Pinuno rin ni Will ng magagandang alaala ang naganap na Kapuso Mall Show para sa fans dahil nagbigay rin siya ng autograph sa isang lucky fan.
Sofia Pablo and Allen Ansay
Pinuno naman nina Sofia Pablo at Allen Ansay ng kilig ang naganap ng Kapuso Mall Show dahil sa kanilang sweet performance.
Allen Ansay
Nagpakilig din si Allen sa mga Kapusong Zamboangueño na dumalo nang magpakuha siya ng litrato sa kanila.