Marian Rivera, 'Balota' cast, other celebrities grace the film's gala night
Naganap ang gala night ng 2024 Cinemalaya entry na Balota kamakailan sa Ayala Malls Manila Bay at dumalo rito ang cast at production crew ng pelikula, pati ang iba't ibang celebrities at personalities.
Bukod sa screening ng Balota, nagkaroon din ng talkback session ang cast kung saan ibinahagi nila ang kanilang karanasan at insights tungkol sa pelikula.
Sa panayam ni Aubrey Carampel kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera, na bumibida bilang Teacher Emmy, sinabi niyang “sobrang priceless” ang kanyang experience sa Balota.
“Sabi ko nga, 'yung experience ko rito sa Balota, sobrang priceless. Nagpapasalamat talaga ako na nagawa ko talaga ito,” aniya.
Silipin ang naganap na gala night ng Balota sa gallery na ito.
Balota
Naganap ang star-studded na gala night ng Balota nitong Linggo (August 4) sa Ayala Malls Manila Bay. Present dito ang cast at crew ng pelikula pati ang iba't ibang celebrities at personalities.
Marian Rivera
Gumaganap ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera bilang Teacher Emmy sa Balota. Sa panayam ni Aubrey Carampel sa award-winning actress, sinabi niyang “sobrang priceless” ang kanyang karanasan sa pelikula.
Kip Oebanda
Ang 2024 Cinemalaya entry na Balota ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda. Ang naturang pelikula ay co-produced ng GMA Pictures at GMA Entertainment Group with Cinemalaya.
Fulfilled
Ayon kay Direk Kip Oebanda, masaya sila sa feedback na natatanggap ng Balota mula sa mga manonood.
“We're very happy with the feedback that we've been getting, parang people are very happy with the film. Napakaraming pumupuri sa performances ng buong cast headed by Ms. Marian. Nakaka-proud kasi pinaghirapan namin 'to at napakahirap niyang gawin. So to see that people are enjoying it, having fun with it, umiiyak, nagchi-cheer pagkatapos ng screening, nakaka-fulfill siya for us,” kwento niya sa GMANetwork.com.
Similarities
Sa naganap na talkback session, ibinahagi ni Sparkle star Will Ashley na naka-relate siya sa kanyang karakter na si Enzo.
“Sobrang nakaka-relate ako sa character ko rito kasi ako, in real life talaga, parang mama's boy din naman ako. Kung mapunta sa gano'ng sitwasyon, same lang kami ni Enzo na gagawin din ang lahat para maka-survive, kumbaga may Plan A and Plan B,” aniya.
Reaction
Sa panayam ng GMANetwork.com sa social media star na si Sassa Gurl, na gumaganap bilang Babe, ibinahagi niya ang kanyang reaksyon matapos mapanood ang Balota.
Aniya, “Grabe! Ang masasabi ko lang, pasabog, ang daming nangyari, punong-puno ang mga eksena. Talagang napahatid ang mensaheng gustong ipahatid ni Direk Kip [Oebanda] sa film na ito. At saka, first time kong makita si Mama Marian [Rivera] na gumano'n.
“At siyempre, this is my first Cinemalaya, sobrang na-enjoy ko, the ensemble, lahat, plakado siya. Sabi ko na nga ba, Direk Kip, kakaiba ka talaga, pasabog. Talagang i-watch ninyo.”
Powerful
Sa panayam ng GMANetwork.com sa batikang aktor na si Joel Saracho, na bahagi ng cast ng Balota, ibinahagi niya ang kanyang reaction matapos ang screening ng pelikula.
“Powerful, napakalakas ng pelikula. Ang ganda ng kwento, ang ganda ng pagkakalahad ng kwento. Masarap na mabigat, nakakatawa siya na nakakagalit, I think it would communicate well with the audience,” aniya.
Dingdong Dantes
Kabilang sa mga nakapanood ng Balota ay ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes. Sa panayam ni Aubrey Carampel sa multi-awarded actor at host, proud siya sa kanyang misis na si Marian Rivera at sa lahat ng bumubuo sa naturang pelikula.
“Sobrang proud sa kanya at saka sa lahat ng bumubuo ng pelikula, mula sa director [at] writer na si Direk Kip [Oebanda], sa buong cast at saka sa producers. Hanga ako sa katapangan ng pelikulang ito,” sabi ni Dingdong.
Kapuso executives
Dumalo sa gala night ng Balota sina GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdes at Sparkle Senior Talent Manager Tracy Garcia.
GMA executives
Present din sa screening ng Balota sina GMA Network Senior Vice President for Entertainment Group Lilybeth G. Rasonable, Assistant Vice President for Drama Helen Rose Sese, at Program Manager Arnel Nacario.
Ricky Lee
Kabilang sa mga nakapanood ng screening ng Balota ay ang National Artist for Films and Broadcast Arts na si Ricky Lee.
Boobay
Spotted din sa gala night ng Balota ang Kapuso comedian na si Boobay, na isa sa mga malalapit na kaibigan ni Marian Rivera.