Sofia Pablo at iba pang bituin ng 'Prinsesa Ng City Jail,' headturners sa GMA Gala 2024
Headturners ang mga bituin ng upcoming GMA Afternoon Prime series na 'Prinsesa Ng City Jail' nang dumalo sila sa GMA Gala 2024.
Magkasamang rumampa sa red carpet ang mga bituin nitong sina Sofia Pablo at Allen Ansay, na kinilala bilang Young Stars of the Night.
Black gown with a little bit of sparkle na likha ni AJ Javier ang suot ni Sofia samantalang isang Francis Libiran suit naman ang suot ni Allen.
Present din sa GMA Gala 2024 ang batikang aktor na si Dominic Ochoa na gwapong-gwapo sa kanyang grey striped suit.
Tingnan ang looks ng mga bituin ng 'Prinsesa Ng City Jail' sa mga larawang ito.
Sofia Pablo and Allen Ansay
Magkasamang rumampa sina Sofia Pablo at Allen Ansay sa red carpet ng GMA Gala 2024. Kinilala sila bilang Young Stars of the Night.
Dominic Ochoa
Dashing and handsome naman si Dominic Ochoa sa kanyang gray striped suit sa red carpet.
Ina Feleo
Ina Feleo served looks sa GMA Gala 2024 suot ang black beaded gown na gawa ni Roko Arceo ng Maligaya Clothing.