Kris Bernal, bilib sa paraan ng pakikisama ni Nora Aunor sa kanyang fans
Manghang-manghanga raw si Kris kapag nakikita niya ang fans ni Nora kaya't tinanong niya ang batikang aktres kung paano ba niya nagawa 'yon.
By AL KENDRICK NOGUERA
"So tinanong ko siya, sabi ko, Miss Nora [Aunor], paano n'yo po nagagawa 'yon," bahagi ni Kris Bernal nang masaksihan niya kung paano makisama ang Superstar sa kanyang fans.
Kuwento ni Kris, nagugulat daw siya sa dami ng fans ng kanyang 'Little Nanay' co-star. "Talagang every time [na] may mga gustong lumapit sa kanya, talagang lalapitan niya, yayakapin niya," saad niya.
READ: Kris Bernal, nahihirapan nang kumawala sa role niyang bilang Tinay
Dagdag pa niya, "Ang dami talagang Noranians. Talagang kahit saan kami pumunta, umiiyak 'yung mga tao."
WATCH: Nora Aunor, nagpapalaganap ng 'Happy Lang'
Manghang-manghanga raw si Kris kapag nakikita niya ang fans ni Nora kaya't tinanong niya ang batikang aktres kung paano ba niya nagawa 'yon.
Hindi naman daw naging madamot ang veteran actress at binigyan niya si Kris ng tip sa pakikitungo sa fans. "Maging magalang lang [daw] ako at maging apporachable kasi doon ka mamahalin ng tao," bahagi niya.