Filtered By: Showbiz News | News
Showbiz News

Tito Sotto at Helen Gamboa, nagsalita na tungkol sa pinagdaraanan ng anak na si Ciara Sotto

Updated On: November 10, 2020, 02:48 PM

Sa pamamagitan ng '24 Oras' ay nagbigay ng pahayag ang mag-asawang sina Tito Sotto at Helen Gamboa patungkol sa nababalitang problemang may-asawa ng kanilang anak na si Ciara Sotto.

By CHERRY SUN

Sa pamamagitan ng 24 Oras ay nagbigay ng pahayag ang mag-asawang sina Tito Sotto at Helen Gamboa patungkol sa nababalitang problemang may-asawa ng kanilang anak na si Ciara Sotto.

“We’d rather leave it to her. Leave it to her discretion kung anong gusto niyang ipaalam sa publiko about her relationship and marriage. Nasa kanya na. Hindi namin gustong isapubliko ‘yung pag-uusap at mga sinasabi niya sa amin,” sambit ni Tito.

Nakahanda rin daw silang umalalay at magbigay ng payo bilang mga magulang.

“At the moment, hayaan mo na muna kung ano ‘yung feel niya, kung ano ‘yung diskarte niya. Pag humingi ng advice, saka namin pag-iisipan kung ano,” patuloy ni Tito.

“She just wants to keep her privacy at the moment. Sabi nga ni Lola Nidora ‘di ba, sa tamang panahon,” dagdag naman ni Helen.

Noong nakaraang linggo ay ipinahiwatig ni Ciara na may hinaharap siyang pagsubok kaugnay ng kanyang asawang si Jojo Oconer.
 

 

A photo posted by Ciara Sotto (@pinaypole) on



Ayon sa parehong ulat diumano ay third party raw ang pinag-ugatan ng kanilang hiwalayan.


Video courtesy of GMA News

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.