
Abangan ang 'Hanggang Makita Kang Muli,' ngayong February 22 sa GMA Afternoon Prime.
By MICHELLE CALIGAN
Sa pamamagitan ng isang tweet, inanunsiyo ni Kapuso actress Bea Binene ang official title ng kanyang pinakabagong Afternoon Prime series na 'Hanggang Makita Kang Muli.' Nagkaroon ito ng working title na The Abandoned.
Hello everyone!!! The official title of our new soap is HANGGANG MAKITA KANG MULI. It will start airing on February 22. Sa Afternoon Prime!
— Bea Binene (@beabinene) January 14, 2016
Nag-post din ang kanyang co-stars na sina Angelika dela Cruz, Ina Feleo at Raymart Santiago sa kani-kanilang Instagram accounts ng mga litrato habang nasa taping.
Abangan ang 'Hanggang Makita Kang Muli,' ngayong February 22 sa GMA Afternoon Prime.